Mga Blogs sa English Na may relasyon sa Blog Na ito:
===
Sa nakaraang 'blog' itinuwid ko ang anking sarili sa pagiging 'utong ay ligaya' na karakter. Dito sa 'blog' na ito, itutuwid ko ang sarili ko sa pag suporta sa mga karakter sa mundoat ilalahad ko ang mga salita ng pagpapatawad na ginagamit ko pati na kung ano ang gagawin ko para ihinto ko ito.
Pagpapatawad Sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili ' bilang si Madonna' sa pagtanggap at pagpayag ko sa pagtukoy sa aking sarilili sa loob ng 'Utong ni Madonna' na karakter - kung saan pinagkakakitaan ko ng pera ang paglabas ng aking utong sa publiko - para bigyan ng saya ang mga taong nanunuod - sa kanilang paghahangad magipon ng mga positibong karanasan - sa kanilang isip - kung saan ang laman/katawang pisikal ay kinukunan ng enerhiya para gamitin sa pagiisip - hanggang tumanda ito at mamatay.
Pinapatawad ko ang aking sarili 'bilang ang 'media' sa pagtanggap at pagpayag ko na kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbroadcast ng mag taong katulad ni Madonna na naglaladlad ng utong, suso, at ano pa mang bahagi ng katawan na itinatago natin dahil sa mga restriksyon ng relihiyon natin at 'moralida' na binigyan natin ng pagpapahalaga kaysa sa kung sino tayo talaga.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagpapahalaga ko sa mga restriksyon ng aking relihiyon at sa 'moralidad' na kinalakhan ko - na hindi base sa kung sino ako talaga - kung hindi base sa pagkakaisa natin na protektahan ang pagkakaisa ng ating mga karakter para hindi tayo magbago - at manatili tayo na alipin ng ating isip - kung saan hinuhusgahan natin ang mga bagay -bagay katulad ng mga parte ng ating katawan - kung ano ang mabuti o alin ang masama. Hindi natin nakikita na ang ating ;aman o pisikal na katawan ay isang ekspresyon lamang o manipestasyon ng sustansya ng pisikal o lupa kung saan tayong lahat nagmula.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magkaruon ng takot sa aking sarili na hindi ko itinutuwid sa pamamagitan ng pagpapatawad sa aking sarili at pagwawasto sa aking sarili sa bawa't sandali- sa bawa't paghinga - at dahil dito gumagawa tayong mga bagay para natin iwasto ito sa paggawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng batas o lipunan - at ito ang ginagawa nating paraan para bigyan natin ng kalayaan ang ating sarili - hindi natin nakikita na ito ay hindi tunay na kalayaan - kung hindi isa ring bilanguan - dahil ang kung sino tayo talaga ay nakabilanggo sa ating isip - sa isang kahaliling katotohanan. Ang tunay na kalayaan ay ang makita natin ang ating tunay na sarili - kung sino tayo talaga - at bigyang buhay natin ito sa tunay na daigdig ng mga laman/pisikal na katawan - kung saan lahat ng tao ay magkakaruon ng mga kinakailangan nito para tayo mabuhay na may dignidad - base sa pagkapantay- pantay nating lahat - at magkaruon ng langit dito sa lupa.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para ilantad ko ang mga nagaganap na kabalbalan sa balat ng lupa para mamulat tayo sa katotohanan ng kung sino tayo talaga at kung paano natin binibigyan ng buhay ang mga karakter sa lipunan sa pagtutukoy natin sa ating sarili sa loob ng mga karakter na binibigyan natin ng buhay na ginawa natin sa ating isip.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpapatawad sa sarili at pag wawasto sa aking sarili sa bawa't hininga, sa bawa't sandali - ay itigil ko ang karakter na binibigyan ko ng buhay at ang mga karakter na gumagawa nitong mundong ating ginagalawan ngayon
No comments:
Post a Comment