Total Pageviews

Monday, 16 July 2012

2012:'Sino Ako?' Ako Ay Ang 'Gagawin Ko Ito Bukas' Na Karakter Na Binigyan Ko Ng Buhay Day 13



  English Blogs Na May Relasyon Dito
===


Ang Pagtigil Ko Bilang 'Gagawin Ko Ito Bukas' na Karakter
Ang 'Gagawin ko ito bukas' na  karakter na binigyan ko ng buhay ay ang karakter na ititigil ko sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng blog at patatawarin ko ang aking sariliAt ilalahad ko kung ano ang gagawin ko kapag nakikita ko na ito ay binibigyan ko ng buhay sa pangaraw- araw na paggalaw. - bilang  isang kahaliling bersyon ng kung sino ako talaga - na nilikha ko sa aking isip-- bilang binigyang buhay na ilusyon.  Bibigyan ko ng buhay ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - bilang ang laman  sa aking katawan - bilang ang hininga - na andito sa bawat sandali - bilang isang expression ng aking sarili at ng lahat ng buhay.

Ang Pagpapatawad ko sa Ahing Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'gagawin ko ito bukas' na karakter - bilang karanasan - bilang isang alalalang pinagagalaw ko sa aking imahinasyon- na ginawa ko sa aking isip - na isang kathang isip na lugar na pinupuntahan ko para magkaruon ako ng mga positibong karanasan = galing sa pagkakaruon ko ng negatibong karanasandito sa lupa - kapag ako ay maraming ginagawa at para ko makontrol ang sitwasyon, naghahanap ako ng kalayaan sa mga ito sa aking isip - kung saan ang pakiramdam ko ay nabigyan ko ng lunas ang problemang ito - hindi ko naisip na ito ay guni guni ko lamang - at imbes na tingnan ko ang mga bagay - bagay na andito sa lupa katulad ng aking pisikal na katawan - masaya ako sa aking isip dahil meron akong positibong karanasan dito - hindi ko napagtanto na ang enerhiyang ginagamit para maging masaya ako sa aking isip ak kinukuha sa aking pisikal na katawan - na nauupos na nagiging sanhi ng pagkamatay at pagtanda. 



Pagtutuwid Sa Aking Sarili
Kapag nakikita ko na marami akong gagawin , at binibigyan ko ng buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - hihinto ako - babagalan ko ang pagagalaw at hihinga ako. Babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na pumunta ako sa aking isip para talikuran ang mga gagawin ko - Iisusulat ko ang lahat ng gagawin ko sa buong araw at gagawin ko ang dapat kong gawin para tapusin ito - at kapag nakikita ko na mabigat ang aking pakiramdam  at nagigingparang inaantok ako - hihilamusan ko ang aking mukha ng tubig para magising ako at tutuyuin ko ito - at tatapusin ko ang mga dapat kong gawin.


Ang Mga Paguusap Na Nagaganap Sa Loob Ng Aking Isip
 'Maaari mong gawin ngayong gabi yan - dahil mayroon kang karagdagang panahon mamaya diba? oo nga ano, sige, mamaya ko na gagawin ito.'

Pagpapatawad Ko Sa Aking Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang mga paguusap na nagaganap sa loob ng aking isip para ipagpabukas ko ang mga gagawin ko ngayon.


Kapag nakikita kong ginagamit ko ang paguusap na nagaganap sa loob ng aking isip para ipagpabukas ko ang mga gagawin ko ngayon - hihinto ako at hihinga. Babaguhon ko ang aking panimulang punto - na imbes na pumunta ako sa aking isip - titingnan ko ang kung sino ako talaga - bilang tunay na nilalang na andito sa lupa - na merong katawang pisikal - at gagawin ko ang dapat kong gawin sa araw - araw.


Tutulungan ko ang aking saili at gagawin ko ang lahat para ako makapagsulat, makapagpatawad sa aking sarili at mai aply ko sa pang araw- araw na buhay ko ang pagtutuwid ng aking sarili - at ihihinto ko ang pagpapabukas ng dapat kong gawin ngayon.
===
Ang ginagawa Ko Kapag ako Ay Tinatamad:
Pinipigil ko ang aking paghinga,tumatayo ako at humahanap ako ng iba pang dapat kong gawin - at lumakad patungo sa kusina
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang paggalaw ng katawan para bigyan ng buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - kung saan pinipigil ko ang aking paghinga - tumatayo ako at lumalakad ako patungo sa kusina.


Gagawin ko ang lahat para itigil ko ang paggamit sa paggalaw ng katawan para bigyang buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - at kapag nakikita ko na binibigyan o bibigyan ko ito ng buhay - titigil ako at hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na pigilin ko ang akinghininga at tumayo at pumunta sa kusina - uupo ako ulit at ipagpapatuloy ko ang aking ginagawa hanggang matapos ito.

===
Self-pangako
Gagawin ko ang lahat para itigil ko ang pagbibigay buhay sa 'gagawin ko ito bukas' na karakter at ititigil ko ang mga larawan at paghahangad na ginagawa ko sa aking isip - sa loob ng aking sarili  at = ititigil ko ang pagpunta sa aking isip - sa loob ng aking sarili - at lagi kong titingnan na ako ang aking katawang pisikal na andito sa lupa na humihinga sa bawat sandali


Gagawin ko ang lahat para tulungan ko ang aking sarili sa pamamagitab ng pagsusulat, pagpapatawad sa sarili at pagtutuwid sa aking sarili araw-araw - para ihinto ko ang bagbibigay ng buhay sa 'gagawin ko ito bukas' na karakter - dahil alam ko na hindi ito makakabuti para sa aking sarili at hindi din ito makakabuti para sa lahat


Gagawin ko ang lahat para ilantad ang aking sarili at iba pa kapag nakikita ko ang 'manyaana habit' - kung saan ipinagpapabukas natin ang pagtulong sa ating sarili sa pamamagitan ng pagpeperpekto dito at imbes, inuuna natin ang mga bagay na hindi makakabuti para sa lahat

No comments:

Post a Comment