Total Pageviews

Friday, 6 July 2012

2012: 'Bibigyan Ko Ng Tsinelas and Tatay Ko Para Siya Sumaya Part 3 Day 3


 Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
 Ang Aking Storya sa English:
 ===
Related Blogs:
Anong Kahulugan Ng 'Aalis Ako Sa Aking Nakaugaliang Karakter'?
===
 
'Positibong (+)' Karakter: 'Bibigyan ko ng tsinelas ng tatayko para sumaya siya' 

 Ang Tatay at Anak:



Tsinelas
 Sa isa sa aking mga blog, i sinulat ko kung paano ako pumunta sa aking isip at humiwalay sa pisikal sa pamamagitan ng pagbibigay ng positibo o negatibong halaga sa mga salita.Humiwalay ako sa kung ano ang tunay - kung ano ang andito - ang pisikal -ang BUHAY - at pumunta ako sa aking isip at binigyan ko ng halaga ang mga positibo kong karanasan dahil  natatakot ako mawala sa akin  ang mga 'positibo kong karanasan' - bilang isang karakter. humanap ako ng isang bagay na 'higit pa kaysa sa akin' - upang masiguro ang aking kaligtasan sa loob ng positibong karanasan - na isa lamang enerhiya na ginawa ko sa luob ng aking isip.===

 
Sa blog na ito, tingnan natin ang aking pagkabata at kung paano ko binigyang buhay ang 'positibong karanasan ko bilang karakter na ito.Naniniwala ako na ito ay magbibigay sa akin ng isang halaga na 'higit pa kaysa sa kung sino talaga  ako', na kung saan ay isang halaga na 'higit pa kaysa sa akin' - bilang isang taong humihinga - hindi ko nakita na ang positibong karakter na ito ay isa lamang ilusyon na kinatha ko sa aking isip lamang - at walang  tunay na buhay dto sa lupa. Ang tunay na halaga ay ang makita natin na dito sa mundo ay nabubuhay tayong pantay-pantay - bilang Buhay.===Paano ko ibinigay ang 'Karakter' Ang Salita ng isang positibong Halaga'(+1) Positibong Karakter: Positibong Karanasan'Karakter: 'Bibigyan ko ang tatay ko ng tsinelas para siya sumaya'

 
Ito ay makikita sa kuwento ng aking ina:Sinabi niya, nung bata ako kapag dumadating ang tatay ko nagmamadali akong humanap ng tsinelas para ibigay sa kaniya . Alam ko na kaya ko ginawa ito ay para siya sumaya.
Gusto kong laging marinig na sabihin niya na 'ikaw ang aking paboritong anak'. Gusto kong maipon ang mga positibo kong karanasan tulad nito - tulad ng isang 'minamahal na karakter  ng isang minamahal na artista sa isang pelikula'.
===Kapatawaran sa Aking Pagiipon ng mga positibong karanasan:Pinapatawad ko ang aking sarili na  tinanggap at pinayagan ko ang aking sarili na  pumunta sa aking isip at binigyan ko ng positibong kahulugan ang karakter na ito - kung saan binigyan ko ng maraming puntos o  halaga ang karakter na ito at humiwalay ako sa kung sino ako talaga - sa loob ng isang positibong karanasan na gusto kong manatili sa akin- bilang isang - 'Bibigyan ko ng tsinelas ang tatay ko para siya sumaya' - karakter


Pangako ko sa aking tunay na sarili  
Nangangako ako sa aking sarili na tatanggalin ko ang mga larawan bilang mga paniniwala, takot,  paghahangad atbp - sa loob ng aking sarili - at hindi na ako pupunta sa aking isip para bigyang buhay ang karakter na ito dahil gusto kong manatili ang positibong karanasan  ko bilang  ito - na isang kathang isip lamang - at hindi na ako hihiwalay  sa kung sino ako talaga - ang pisikal - ang tunay na ako - na andito sa lupa - at ang kapaligiran ko - na andito rin sa lupa - at lilinawin ko ang aking tayo sa aking tunay na sarili - bilang isang nilalang na kapantay ko at kapantay ng lahat na nilalang dito sa lupa - na kapantay din ng aking sarili - dito sa lupa - sa bawa't hininga.




Itutuloy...

No comments:

Post a Comment