Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
Ang Aking Storya sa English:
===
Related Blogs:
Bagong Kahulugan ng Karakter
Ano ang Ibig Sabihin ng
Aalis Ako Sa Aking Kinaugaliang karakter?
(What Does it mean To Step Out of My Character'?)
Aalis ako sa aking karakter na sunod sunuran sa mga positibo o negatibong karanasan ko - na umiinog sa pagtaas at pagbaba ng emosyon ko base sa mga karanasan ko - na galing sa mga salitang binigyan ko ng positibo o negatibong kahulugan - kung saan hindi ko nakita kung ano ito - kung saan ako ay wala dito - ang karakter na 'meron sigurong hihigit pa sa kung sino ako' - ang nandito
Ang galak ko kapag ako ay binibigyan ng kalinga o atensyon - and kalungkutang nararamdaman ko kapag may naputol na relasyon,kapag may namatay sa pamilya atbp. ay nagmula sa takot na mawala ang mga naipong positibong karanasan ko, kung saan iniisip ko na 'meron pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' - na binibigyan buhay ng karakter na ating binibigyang buhay - kung saan ang gumawa sa karakter ay tayo, ang nagbibigay buhay ay tayo, ang nanunuod sa sine na ginawa natin ay tayo - isang ilusyon na ginawa natin sa ating isip na binigyan natin ng buhay para maging real o tunay - isang ilusyon na araw-araw nating binubuhay bilang tayo.
Stress
Ang tunay ay kung ano ang andito. ang pisikal ay tunay. Ang katawan ng tao ay tunay.
Ang lupa ay tunay. Ang kapaligiran ay tunay.
Hindi ba nakakatawa na gumagawa tayo ng maliit na mundo natin kung saan kakumpetisyon natin ang bawa't isa - dahil lahat tayo ay pinapatakbo ng positibo o negatibong karanasan natin - na binigyan natin ng buhay sa isip natin tapos - binigyan natin ng buhay sa pang araw-araw nating galaw. Itinatago natin ito bilang isang memorya o 'memory'. Hindi natin nakita na ginawa lang natin ito sa ating isip- isang ilusyon lamang ito. Limitado ito - dahil ang positibo ay kinukumpleto ng negatibo - at hindi pwedeng magkaruon ng isa kung wala ang isa. Walang saya kung walang lungkot. Walang lungkot kung walang saya. Ito ay hindi tunay na kaligayahan.
Meron namang humanap ng kaligayahan sa isang daigdig na kathang - isip lamang at walang base sa kung ano ang real o tunay - na ginagawa natin para matakpan ang takot bilang 'takot akong mawalanng saysay ang aking buhay, kailangan kong pera para ako makatulong sa iba - at maligaya na ako' na isang karakter na binuhay natin sa pamamagitan ng takot - takot tayong hindi mabuhay ang karakter na binibigyan natin ng buhay.
Sinusuportahan ng karakter na binibigyan natin ng buhay ang mga karakter sa lipunan na ganito rin ang karakter- sunod sunuran din sa mga positibo at negatibong karanasan - na iisa ang hangad - upang manalo, sa loob ng isang ilusyon na tayo ay nakikipagkumpetensya sa lahat ng iba pang mga character. Dahil dito lumikha tayo ng mundo na pinapatakbo ng kumpitisyon - kung saan ang nakabubuti sa isa ay biniibgyang halaga at kung ano ang makakabuti sa lahat ay binabal;ewala - dahil sa excuse na kailangan tayong mabuhay. Ang nagpapatakbo sa ating buhay ay ang takot natin na hindi mabubuhay ang karakter na binibigyan natin ng buhay - hindi natin isina alang alang na itong karakter na ito ay binibigyan lang natin ng buhay sa pamamagitan ng paggalaw at pagsasalita na base sa positibo o negatibo nating karanasan na binibigyan natin ng positibo o ngatibong kahulugan sa ating isip lamang - na wala namang tunay o real na katauhan kung hindi ilusyon lamang.
Ang pisikal ay andito sa mundo -ang ating katawan ay 'real' o tunay. Ang ating kapaligiran ay 'real' o tunay. Ang aksyon na hindi pinapatakbo ng ating positibo o negatibong 'saya at lungkot atbp' at idinereta natin ay ang tunay na karakter na bibigyan ko ng buhay. Gagamitin ko kung ano ang andito sa pisikal na galing sa lupa - ang ating katawan at kapaligiran - para sa makabubuti sa lahat - tao, halaman, hayop atbp. Ito ang aking bibigyan ng buhay - dahil ito ang tunay na ako. Ititigil ko ang pagpunta sa aking isip at paggawa ko ng ilusyon . Ito ang ibig sabihin ng 'aalis ako sa aking kinaugaliang karakter' at bibigyang buhay ko ang karakter na tumatayo sa kung ano ang makakabuti sa lahat.
Ako at ang lahat ay iisa. Tayo ay pantay-pantay.
Ang pagbabago ay magsisimula sa pagpapatawad ko sa aking sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na _____:
Halimbawa:
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging ' meron pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' na karakter - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
*** Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magalit kapag may gumagawa ng isang bagay na di ko gusto -kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako' - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging malungkot kapag may namatay -kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako'- na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging masaya kapag may nagbigay sa akin ng kumplemento - kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako' - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
At iwawasto ko ang aking sarili sa bawat sandali ng paghinga - mula sa isang 'panimulang punto' o starting point based from 'separation to what is here' ( in the mind ) as the physical to who i am as all life- as what is here as the physical)
*** kung makita ko ang aking sarili na naniniwala na ako ay ang karakter na 'meron pa sigurong higit sa kung sino ako' -titigil ako at babaguhin ko ang panimulang punto ko mula sa 'mayroon pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' -na karakter - sa 'ANDITO AKO. HUMIHINGA AKO. - Mula sa '' kung anong makakabuti sa akin lamang' - sa ' KUNG ANONG MAKAKABUTI PARA SA LAHAT'.
***Gagawin ko ang lahat na suportahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng blogging at vlogging na tumigil sa pagbigay ng 'positibo o negatibong' kahulugan sa mga salita at mga karanasan ko - para mabuhay ako na may tiwala sa saking arili, sariling direksyon, sariling pananagutan, at sariling katapatan,
Ang binibigyan kong buhay na karakter ay kikilos at mananalita galing sa' panimulang punto' na (starting point) gagawin ko at sasabihin ko kung ano ang makakabuti para sa lahat -dahil kung ano ang pinakamabuti para sa lahat ay pinakamabuti din para sa akin .
No comments:
Post a Comment