Ang 'Mapanghusga Ng Suso' na Karakter
Blogs Na May Relasyon Dito sa English:
Pag Tigil Sa Karakter Na Ito
Dito sa blog na ito papatawarin ko ang aking sarili at ilalahad ko kung
ano ang aking gagawin para ituwid ko ang aking sarili sa araw - araw -
sa pagiging ang 'mapanghusga ng suso' na karakter - at ititigil ko ito
-para mabuhay ako na isang tunay na karakter na kung sino ako talaga -
at hindi ang karakter na galing lamang sa aking ilusyon
Pagpapatawad sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtukoy sa aking sarili sa loob ng '
mapanghusga ng suso' na karakter - kung saan naniniwala ako na ang suso
na hindi masyadong malaki o hindi masyadong maliit ay mas malaki ang
halaga sa akin at ang suso na masyadong malaki o masyadong maliit ay mas
maliit ang halaga sa akin
- kung saan hinuhusgahan ko ang suso - na gawa galing sa lupa na katulad ko din - kapantay ng bawa't nilalang.
Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para itigil ko ang mga larawan -
bilang paghahangad ko sa loob ng aking sarili at ititigil ko ang
pagpunta sa aking isip at paghiwalay sa katawang pisikal sa loob ng
aking sarili - at tatayo akong kapantay ng aking katawang pisikal sa
bawa't hininga ko sa bawa't sandali.
===
Mga Paguusap na Nangyayari sa Aking isip:
'Maganda ang hugis ng suso niya kaya siya nakapagdadamit ng may
nakalabas na suso. ano kaya ang hitsura ko kapag ako ang nagsuot nitong
damit na ito?'
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin
ang 'backchat' bilang isang paraan ng pagbibigay buhay sa ' 'mapanghusga
ng suso' na karakter - kung saan hinuhusgahan ko ang suso - hindi ko
naisip na ang suso ay gawa din galing sa lupa - katulad ko - katulad ng
lahat
Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Kapag nakikita ko ang aking sarili na binibigyang buhay ang 'mapanghusga
ng suso' na karakter sa pamamagitan ng 'backchat'- hihinto ako at hihinga - bibilang ako ng apat
at hihinga paloob, hihinto ako at bibilang ng apat - hihinga ako palabas
at bibilang ng apat, at hihinto ako - bibilang ulit ng apat - babaguhin
ko ang aking panimulang punto - galing sa panghuhusga - sa pagtutuwid
ng aking sarili sa kung sino ako talaga - at tatayo ako kasama ng
katawang pisikal sa bawa't paghinga sa baa't sandali..
Pagpapatawad sa Paggamit Ng Paggalaw Sa Paghuhusga Ko Bilang Isang Karakter:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin
ang paggalaw ng katawan bilang isang paraan ng pagbibigay ng buhay sa
'mapanghusga ng suso' na karakter - sa paghahangad ko sa mga positibong
karanasan galing sa isang negatibong karanasan na hindi ko gusto ang
masyadong maliit na suso o masyadong malaking suso maging akin o sa iba
Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Kapag nakikita ko ang aking sarili na binibigyan ko ng buhay ang 'mapangh
usga ng suso' na karakter
sa pamamagitan ng paggalaw- hihinto ako at hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto
magmula sa panghuhusga - sa pagtuwid ko sa aking sariii at tatayo ako
kasama ng katawang pisikal sa bawat hininga sa bawa't sandali.
===
Tayo Ang Mga Karakter Sa Mundo Na Ating Ginagalawan
===
Pagpapatawad sa Sarili Bilang Mga Karakter Sa Industriya ng Pagpapaganda
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang 'industriya ng 'plastic
surgery' sa pagtanggap at pagpayag ko na abusuhin ang katawan sa
pamamagitan ng pagbago ng anyo nito sa ngalan ng kagandahan- kung saan
hindi ko isina alang - alang na ang katawan ay galing sa lupa kapantay
ng bawa't nilalang.
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang mga 'plastic surgeons' sa
pagtanggap at pagpayag ko na baguhin ang hugis ng parte ng katawan para
ito gumanda.
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang 'mayayamang may hawak ng
nakararaming pera kaysa sa iba - sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin
ko ang pera para baguhin ang aking anyo (katawan atbp) sa pangalan ng
kagandahan - hindi ko isina alang - alang ang hindi pagkapantay pantay
ng bawa't nilalang - at imbes na ito ay tumulong para mag tayo ng
panibagong sistema na batay sa pagkapantay - pantay ng bawa't nilalang - nabubuhay ako ng ,masagana sa sistema ng ito - dahil ang pansarili kong interes ang inuuna ko
Gagawin ko ang lahat ng makakaya
ko para ilahad ang mga industriya na sumusuporta sa mga industriya na
nagbabago ng korte ng katawan para magkapera
===
Pagpapatawad sa Aking sarili Bilang Mga Karakter Na Spiritwal
Pinapatawad ko ang aking sarili
bilang ang maga 'guru' sa pagtanggap at pagpayag kong husgahan ang suso
base sa paniniwala na ang suso ay dapat takpan sa loob ng templo - na
ito ay hindi mabuting nakalabas dahil magkakaruon ng pagnanasa dito ang
mga tao sa loob ng templo- hindi ko tiningnan ang katotohanan na ang
mga tumitingin at nagnanasa ay may responsibilidad na itigil ang sarili
sa pagtingin at pagnanasa sa suso - sa pamamagitan ng pagpapatawad sa
sarili at pag tuwid sa sarili sa pang araw- araw na buhay - at tingnan
natin ang katotohanan na ang suso ay galing sa lupa katulad nating lahat
- kaya hindi ito dapat na husgahan.
Pinapatawad ko ang aking sarili
'bilang ang mga devotees' sa pagtanggap at pagpayag ko na kopyahin ko
ang guru at isagawa ko ang lahat na iniuutos nito - hindi ko nakikita na
andito ako at humihinga - at kaya kong magdirekta sa aking sarili - at
nakikita ko rin ang katotohanan na naghahanap ako ng mga positibong
karanasan sa pagtanggap ng salita ng 'guru' na parang ito ang batas ng
aking buhay - dahil gusto ko ng kaligtasan at naniniwala ako na iyon ay
maibibigay sa akin ng guru - hindi ko isina alang - alang na ang suso ay
galing sa balat ng lupa at ito ay kapantay ng bawa't nilalang dito sa
mundo
Ang Gagawin Ko :
Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para ilahad sa lahat ang mga totoong
nagyayari dito sa mundo - para hindi manatiling nakapikit sa
katotohanan ang mga mata ng mga nilalang dito sa lupa.
Pagpapatawad sa Sarili
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang mga 'relihiyon' dito sa lupa sa
pagtanggap at pagpayag ko na ipangako ko sa mga tao na may buhay na
walang hanggan sa langit - dahil alam ko na iyon ang kanilang kailangan -
at dahil alam ko na makatatanggap ako ng abuloy para sa simbahan kapag
ibinagay ko ang kanilang kailangan - bilang pagsasamantala sa kanilang
kahinaan
Ang Gagawin Ko :
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan ko ang aking sarili
na ihinto ang pagbibigay ko ng buhay sa 'mapanghusga ng suso' na
karakter
Gagawin Ko Ang lahat para sa aking sarili - kung saan sa pamamagitan ng
pagsulat, sa pagpapatawad sa sarili at pagtutuwid sa sarili ko sa
araw-araw - matutulungan ko ang aking sarili upang ihinto 'mapanghusga
ng suso' na karakter