Total Pageviews

Wednesday 11 July 2012

2012 Ang Salitang 'Ako' Ay Konektado sa Salitang June Roca: Pat 8 Day 8: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan sa Salitang 'Ako'


Related Blogs:
English
===
English
===
My site: 
 Sa aking blog bago ang isang ito, nakita ko na humiwalay ako sa kung sino ako talaga - ang katawang pisikal - at pumunta ako sa aking isip - sa kagustuhan kong magipon ng mga positibong karanasan - sa pamamagitan ng pagkonekta / pagtukoy ko sa salitang  'ako' sa loob ng salitang June Roca at binigyan ko ito ng positibong halaga - kung saan hindi ko nakita kung ano talaga ang salitang 'ako' - dahil binigyan ko ito ng halaga na mahigit pa sa kung ano ito talaga  - hindi ko nakita na ito ay isang salita - iasang manipestasyon o expresyon na kapantay ng lahat ng andito sa lupa/pisikal.

 Ibabahagi ko dito kung paano ko pinatawad ang sarili ko:


Pinapatawad Ko Ang Aking Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag sa aking sarili na ikonekta ang salitang 'ako' sa salitang June Roca

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko sa aking sarili na tukuyin ang salitang 'ako' sa loob ng salitang June Roca

===

Sa 'blog' na ito, i ibabahagi ko rin ang aking realisasyon, ang pagtutuwid sa ang aking sarili at ang pangako ko na gagawin ko ang lahat para itigil ang paghahanap ko ng mga positibong karanasan bilang pagkonekta at pagtukoy ko sa salitang 'ako' sa salitang June Roca - at sa halip titingnan ko ang salitang 'ako' kung ano ito talaga - isang salita na kung saan ipinapahayag ko kung sino ako talaga - isang manipestasyon na kapantay ng lahat ng manipestasyon at nilalang dito sa lupa.


Realisasyon:
Napagtanto ko na  ang salitang 'ako' ay kumakatawan sa kung sino  ako sa kasalukuyan  bilang 'sino ako?' na karakter.-  hiwalay sa aking katawan  - pumupunt a sa isip - sa  paghahanap ng akumulasyon ng mga positibong karansan para ako lumigaya - na dahilan ko para manatili akong isang nilalang na nangangailangan ng positibong karanasan - bilang isang nilalang na may mapagkikilanlan ('identity') ng pagkatao , may pinagmulan, mayruong relasyon sa ibang tao, may opinyon sa mga bagay - bagay.atbp. - isang ilusyon na binigyan ko ng buhay - para  hindi ako magkaruon ng pagkakataong humarap sa aking sarili at mabigyan ko ng kapatawaran ang aking sarili  sa paghahangad ko ng mga positibong karanasan,   na kung saan kinakain ng isip ang aking katawang pisikal  - at kinukuha nito ang  enerhiya na kailangan ng katawan para magipon  ito ng mga positibong karanasan - na paulit-ulit na nangyayari hanggang tumanda at mamatay ang katawang pisikal dahil dito.




Pagtutuwid Ng Aking Sarili:
Kapag nakikita ko  sa aking sarili na kinokonekta ko ang salitang 'ako' sa salitang June Roca - hihinto ako at hindi ko ito tutuloy. Hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto - mula sa isang punto na naghahangad magipon ng mga positibong karanasan sa pagkokonekta ko sa salitang 'ako' sa salitang June Roca  - sa  panimulang punto na base sa  pagtukoy ng salitang 'ako'  sa loob ng salitang June Roca  - na ginagamit na isang expresyon ng aking tunay na pagtao  - bilang kaisa ng lahat dito sa mundo.


Gagawin Ko Ang Lahat Para Ituwid Ko Ang Aking Sarili:
Gagawin ko ang lahat  - bilang  aking sarili upang tanggalin ang mga larawan bilang pagnanasa na makaipon ng positibong karanasan- sa pamamagitan ng pagkonekta / pagtukoy sa salitang 'ako' sa  loob ng salitang June Roca - sa loob ng aking sarili - at  ititigil ko ang paghiwalay ko  sa aking katawang pisikal sa  pagnanais ko na magkaruon ng mga positibong karanasan - sa loob at ng aking sarili at nakatayo ako na  kaisa  ng aking katawang pisikal sa paghinga ko sa bawa't sandali.
===

No comments:

Post a Comment