Total Pageviews

Friday, 27 July 2012

2012 Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas' Day 23


 
 
Mga English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:  
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Salitang Bukas
 
Ayon Sa Diksyonaryo, ang kahulugan ng salitang 'bukas' ay:
sa hinaharap na pagkakataon
 
Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas'
 
Sa hinaharap na pakakataon, na kung saan tinutukoy ang panahon bilang hiwalay sa ngayon - hindi nakita ng sarili na ang bukas ay resulta ng ngayon - at ginagamit ito ng isang taong binibigyang buhay ang sarili bilang kahapon, ngayon at bukas -kung saan kailangang pumunta sa isip para magkaruon ng puwang ang pkahiwahiwalay ng sarili bilang kahapon, ngayon at bukas para magkaruon ng puwang ang pagkakaruon ng mga karanasan at ala-ala bilang memorya ng mga positibo at negatibong karanasan na nagbibigay buhay sa sarili bilang kahaliling katotohanan sa loob ng isip na ilusyon lamang - at itong ilusyon na ito ay binibigyang buhay natin sa ating paggalaw, pagsasalita at pagsulat sa araw-araw - bilang nilalang na nabubuhay sa loob ng isang ekonomiya na base sa hindi pagkakapantay-pantay ng lahat.

Nakikita sa pamamagitan ng proseso ng  pagtutuwid sa sarili ang katotohanan na lahat tayo ay pantay-pantay dahil nanggaling tayong lahat sa sustansya ng pisikal 
 
Binibigyan ng bagong kahulugan ang salitang 'bukas' - bilang ang hinaharap na pagkakataon na andito sa bawa't sandali - sa bawa't hininga - kung saan ako ay andito bilang pisikal na nilalang bilang katawan na nagsasalita, nagsusulat at gumagawa ng mga bagay-bagay na kailangang gawin sa araw - araw at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat
 
Nakikita na ang loob ay nasasalamin sa labas at ang labas ay nasasalamin sa loob - tumutulong ito sa pagtatagyuod ng bagong sistema ng ekonomiya na base sa pagkakapantay- pantay ng lahat - kung saan bubuhayin natin ang langit sa/bilang lupa.

 
 

No comments:

Post a Comment