English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:
===
===
Ito Ay Ang Pagsisimula Ng Series ng Blogs Tungkol sa Aking Pagkabata
===
Pagtigil Sa Karakter Na Ito:
Natanto ko na ang ' nakakatakot na kwento' na karakter ay isang kahaliling bersyon ko na nilikha ko sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan - na ginawa kong parang totoo. Ititigil ko and karakter na ito at bibigyang buhay ko ang aking sarili bilang ang tunay na karakter -bilang ang laman / pisikal - patas sa lahat- ginawa mula sa parehong sangkap kung saan lahat ay ginawa - pantay at iisa.
Ang 'Nakakatakot Na Kwento' Na Karakter:
Nuong ako ay 7 o 8 taong gulang, ang tatay ko ay nagkuwento ng karanasan niya nuong siya ay bata pa
Nakatira siya sa kanyang lola nuong siya ay bata pa. Isang araw, inutusan siya ng kanyang lola na pumunta sa tindahan para bumili ng suka.
Gabi na at madilim na ang paligid ng lumabas siya ng bahay. Ang kalsadang nilalakaran niya aymaalikabok at maraming bato - at ang paligid ay puno ng damo. Medy natatakot siya pero wala siyang magawa dahil kailangan ng kaniyang lola ang suka. Umihip ang hangin at sa harap niya ay biglang bumulaga sa kaniya ang isang matandang babae na nakatuwad, mapula ang mga mata, nakatirik ang mga buhok, at ang kamay ay nakataas.
Ng ikinikwento niya ito, ginagaya niya ang ginagawa ng aswang sa kaniyang kwento at ang mga galaw nito at binibigyan niya ng buhay bilang isang aktor - kung saan ang boses o tinig niya ay nagsimulang mababa at ito ay lumalakas habang ang aswang sa kaniyang kwento ay sumisigaw. At sa paginog ng kaniyang kwento magkahalong takot sa aswang at saya na may nagkukwento ang aking nararanasan. Sa gitna ng kaniyang kwento bigla siyang tumayo at sinabi niya na kailangan niyang kumuha ng tubig sa kusina dahil siya'y nauuhaw na ikinagalit naming magkakapatid dahil mapuputol ang halo-halong takot at saya na aming nararamdaman kapag siya ay nagkukwento. Hinawakan namin ang kaniyang braso - at hinila namin ang damit niya para pigilan ang pagpunta niya sa kusina habang nagsisisigaw kami na ipagpatuloy niya ang kaniyang kwento
Gumawa ako ng larawan sa aking isip kung saan inilagay ko ang aswang pati na ang mga sinasabi ng tatay ko na anyo at galaw nito, pati na ang kulay ng kayang mata at pagkatirik ng kaniyang buhok. Tumayo ako sa harap niya sa loob ng aking isip at natakot ako sa ginawa kong larawan niya sa aking isip na kapareho ng larawang ibinigay sa akin ng aking ama sa a\kaniyang kuwento at ng huminto ang kwento ng aking ama, alam ko na wala sa loob ng kwarto ang aswang - pero ang takot ay nanduon pa rin dahil ang baka sakali na isang araw mapupunta ako sa madilim na lugar kung saan may aswang na darating sa harap ko - ay isang posibilidad.
Pagpapatawad Sa Aking Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot kapag may nagkukuwento ng tungkol sa aswang - na nanggagaling sa pagkainip ko sa pangaraw-araw na buhay ko na walang pagtaas at pagbaba ng emosyon at hindi ako nagkakaruoon ng magkahalong takot at saya kung saan ako bilang isang karakter na ginawa ko sa aking isip - na nabubuhay na alipin ng enerhiya na galing sa aking mga negatibo, neutral at positibong karanasan - at naghahangad ng kaligayahan sa pagkakaruon ng mga karanasang ganito - kung saan gumagawa ako ng larawan sa aking isip ng aswang - at ginagawa ko itong isang sine na ako ang direktor at akrtor sa loob ng aking isisp - tumatayo ako at umaarte sa loob nito kung saan kapag sumisigaw ang aswang sa aking isip para takutin ako - ako din ay sumisigaw sa takot - hindi ko nakikita na ito ay isang sine na ako ang bida na ginawa ko sa aking isip - at walang pisikal na katotohanan - at ako bilang tunay na ako - kung sino ako talaga - ang pisikal - ay binabale wala at ipinagpapa isang tabi lamang -at hindi ko binibigyan ng pansin ang katotohanan na tayong lahat ay gawa sa iisang sustansya ng pisikal.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'naiinip dahil walang kwento' na karakter
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'nakakatakot na istorya' na karakter - kung saannagpupunta ako sa aking isip at gumagawa ako ng sine sa pamamagitan ng paglikha ng mga larawan base sa kwento na naririnig at nakikita ko na binibigyang buhay ng aking ama. pinapatawad ko din ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na pumunta sa aking isip at humiwalay sa katotohanan ng katawang pisikal - kung saan gumawa ako ng relasyon ng isip at pisikal na katawan - at pinagisa ko ito. Pinapatawad ko din ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maniwala na ang karanasan ko sa aking isip ay tunay - hindi ko nakikita na ito ay kathang isip lamang
Gagawin ko ang Lahat Ng Aking Makakaya para Itigil Ang Karakter na Ito:
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili - na kapag nakikita ko na ako ay nabobored sa pang araw-araw na buhay - hihinto ako at hihinga. Babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na maghangad ng mga positibong karanasan sa pakikinig ng mga kwentong tungkol sa aswang -sa pamagitan ng magkahalong takot at saya -na ginagawa ko sa aking isip- ibabalik ko ang aking sarili sa katotohanan ng pisikal - sa baawa't paghinga sa bawa't sandali.
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili - na sa pamamagitan ng pagsulat, pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid dito - tutulungan ko ang aking sarili na itigil ang karakter na ito
gagawin ko ang lahat sa aking sarili na itigil ko ang mga ala-ala, mga karanasan, mga larawan, mga paghahangad atbp - sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghiwala sa isip at katawang pisikal - bilang mga ala- ala, larawan atbp - sa loob ng aking sarili at tatayo akong kaisa ng pisikal sa bawa't hininga, sa bawa't sandali.
Pag-uusap Sa Aking isip::Paano kung isang araw makita ko ang isang matandang babae na may isang pulang mata na nakatayo ang buhok - at nakatuwad sa harap ko na ang mga kamayay nakataas sa isang madilim na lugar ? Sisigaw ako sa takot.
'Gusto ko ng mga kuwento, dahil nagbibigay ito sa akin ng magkahalong takot at saya.'Hindi ko gusto na itigil ng tatay ko ang kwento dahil ayaw ko matigil ang magkahalong takot at saya na nararamdaman ko.
Pagpapatawad sa Aking Sarili:Pinapatawad ko ang aking sarili nsa pagtanggap at pagpayag ko sa aking sarili na gamitin ang 'backchat'
bilang isang paraan upang matakot sa kung anong mangyayari bukas kung saan humuhiwalay ako sa kung ano ang andito - ang pisikal na katotohanan - hindi ko nakikita na andito ako bilang hininga sa bawa't sandali
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang 'backchat' bilang 'nakakatakot na istorya' na karakter na isang paraan ng paghahangad na magkaruon ng mga positibong karanasan sa pamammagitan ng pakikinig ng kwentong nakakatakot - kung saan binibigyang buhay ko ang aking sarili bilang enerhiya na umiinog sa negatibo, neutral at positibong karanasan - hindi ko nakikita na andito ako kaisa ng pisikal sa bawa't hininga sa bawa't sandali.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ituloy ang pagbibigay ko ng buhay sa 'nakakatakot na kwento' na karakter - para magkaruon ako ng positibong karanasan sa pagkakaruon ng mga negatibo, neutral at positibong karanasan galing sa mga nakakatakot na kwento ng aking ama.
Gagawin ko Ang Lahat Para Ituwid Ko Ang Aking Sarili
Gagawin ko ang lahat para ituwid ko ang aking saili - na kapag nakikita ko na ginagamit ko ang 'backchat' bilang isang paraan upang matakot sa hinaharap - hihinto ako at hihinga - at titingnan ko ang katotohanan na ginawa ko ito sa aking isip - at ang karakter na ito ay kahaliling bersyon ng kung sino ako talaga - ang katawang pisikal na andito - humihinga sa bawa't sandali.
gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na naghahangad ako ng mga positibong klaranasan sa pagkakaruon ng negatibo, neutral at positibong karanasan - titigil ako - at hihinga at ibabalik ko ang aking sarili sa kung ano ang andito- ang sustansya ng pisikal - kung saan tayong lahat nanggaling
Ang Mga Galaw Ng Aking Katawan habang Nakikinig ng Kwento:===
Tumili ako at sinabi ko sa aking tatay na 'Hindi ka maaaring umalis, dito ka lang at ipagpatuloy mo ang iyong kwento. Ang mata ko ay bukas at malaki, bahagyang nakatikwas ang ulo, likod ng ulo nakalapat sa likod ng leeg, mga braso magkahawak, pigil ang hininga, mabilis ang tibok ng puso, gumigiling ang tiyan
===
Pagpapatawad Sa sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko bilang 'mata' na nakabukas ng malaki sa takot
Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko 'bialng mata' na nakabukas ng malaki sa takot - hihinto ako - hihinga at gagamitin ko ang mata para i ekspress ang aking saarili
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko sa aking sarili 'bilang larynx'- bilang boses' takot
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili 'bilang ang 'larynx' bilang boses - na kapag nakikita ko ang aking sarili na takot - hihinto ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto na imbes na ako 'bilang larynx' ay takot ibabalik ko ang aking atensyon sa akin bilang hininga Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko ' bilang ulo' na nakatikwas takot
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa aking sarili 'bilang ulo' na natikwas - na kapag nakikita ko ang aking sarili na takot - hihinto ako at hihinga - at ibabalik ko ang aking sarili sa kung anong andito - sa pisikal at susuportahan ko ang aking katawan bilang ako - at ang aking paghinga, bilang ako
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang ulo' na ang likod ay nakalapat sa likod ng leeg na matakot
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa aking sarili - na kapag nakikita ko na ako 'bilang likod ng ulo' na nakalapat sa likod ng leeg - ay natatakot - titigil ako - hihinga ako at hahanap ako at ipoposisyon ko ako 'bilang katawan' kung saan susuportahan nito ako' bilang hiniga'.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang braso' na nakahalukipkip, 'bilang ang kanang kamay' nakahawak sa akin 'bilang kaliwang braso' sa itaas nito at ako 'bilang kaliwang kamay' nakahawak sa akin 'bilang kanang braso' na matakot
Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang braso' na nakahalukipkip, 'bilang ang kanang kamay, nakahawak sa akin 'bilang kaliwang braso' sa itaas nito at ako 'bilang kaliwang kamay' nakahawak sa aking 'bilang kanang braso' na natatakot - titigil ako at hihinga at bibilang ako ng 1-2-3-4 habang humihinga ng pailalim - titigil at bibilang ng 1-2-3-4 bago hihinga ng palabas habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumubilang ng 1-2-3-4 at uulitin ko ito hanggang makita ko na ako ay andito sa pisikal at sasabihin ko sa aking sarili 'andito ako'.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang puso' na tumitibok ng mabilis na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'nakakatakot na kwento' na karakter na matakot
Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang puso' na tumitibok ng mabilis - ay tinutukoy sa loob ng 'nakakatakot na kwento' na karakter ay natatakot- hihinto ako - hihinga ako ng pailalim habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumibilang ng 1-2-3-4, at hihinga ng palabas habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumibilang ng 1-2-3-4 at hihinga ako ng natural kasama ang enerhiya at hihinga ako ng palabas kung saan kaisa ako ng aking katawan at hininga at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko ' bilang tiyan' na gumugiling sa pagtukoy ko sa aking sarili 'bilang nakakatakot na kwento' na karakter na matakot
Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang ang tiyan' na gumigiling' ay natatakot - hihinto ako at hihinga ng pailalim na kaisa ng katawan at hininga kaisa ng enerhiya -at ilalabas ko ito - at hihinga ako ng palabas papunta sa lupa, at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.
No comments:
Post a Comment