Total Pageviews

Saturday, 7 July 2012

2012: Ako Bilang Isang Karakter Na Kapantay Ng Lahat Ng Nilalang sa Lupa: Ang Pagbibigay ng Bagong Kahulugan Sa Mga Salita Part 4 Day 4

 Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
 Ang Aking Storya sa English:
 ===
Related Blogs:
Anong Kahulugan Ng 'Aalis Ako Sa Aking Nakaugaliang Karakter'?
Ang mga salita ay binibigyan ng kahulugang hindi angkop sa kung sino ako talaga - isang karakter na ang halaga ay may limitasyon - at ito ay dinidikta ng positibo o negatibong karanasan ko na binigyan ko ng halagang - mas mahigit sa kung sino ako talaga ('positibo') o  mas mababa sa kung sino ako talaga ('negatibo').

Ako ay isang tao na - nagbibigay ng kahulugan sa mga salita -kung saan ang kahulugan na binibigay ko sa mga salitang binigkas ko ay kapantay ng kahulugang ibinibigay ko sa aking sarili.


Tingnan Natin Ang Salitang
KAHULUGAN
(translation: sense, definition, meaning)

Kung Babaliktarin Natin Ito :
NAGULUHA-n    a-K-o
(translation: 'I' got confused)

Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita ay ginagawa para ipaliwanag ang ibig sabihin ng isang salita .

Dito sa 'blog' na ito gusto kong bigyan ng pansin ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salita. Ang pangkaraniwang kahullugan ng salita ay nanggagaling sa isang karakter na kabilang sa grupo ng iba pang karakter na sumangayon na yun nga ang kahulugan ng isang salita.

Ano ang batayan ng pagsangayon natin sa kahulugan ng mga salita?

Ang mga karanasan natin na katulad ng karanasan ng iba pang tao sa ating kapaligiran ang nagiging batayan natin nito. Kapag marami ang sumasangayon sa kahulugan ng salita - at kapag naggaling ito sa isang  diksyonaryo na nirerespeto ng karamihan - tinatanggap natin ito.

Hindi natin tinitingnan kung sino tayo sa loob ng kahulugan na ibinibigay natin sa mga salita.

Ano ang ibig kong sabihin ng sinabi kong  'kung sino tayo sa loob ng kahulugang ibinibigay natin sa mga salita'?

Pangkaraniwan na tinatanggap natin na 'ako' ay ang mga karanasan ko - 'positibo o negatibo'. Hindi natin tinitingnan kung bakit natin binigyan ng 'positibo o negatibong' kahulugan ang ating mga karanasan.

Tingnan natin kung sino 'ako' talaga:

1.*Ako  - na nagbibigay ng positibo o negatibong kahulugan sa mga salita sa aking isip - na humiwalay sa pisikal - na katawan na humihinga -  na andito sa bawa't sandali - na kathang isip lamang - na anidto kaisa ng katawan - na sumusuporta sa sistema na base sa hindi pagkapantay - pantay ng mga nilalang dito sa lupa at

2. *Ako - na tao na kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - kapantay ng mga halaman, hayop atb.- na iisa at kapantay - ng katawang pisikal, ng hininga na andito sa bawa't sandali, ng lahat ng andito sa lupa - galing sa lupa - na andito magpakailanman - tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat - dahil napagtanto ang katotohanan na pantay- pantay ang lahat ng nilalang.

Kung sino ako ay hindi maipapaliwanag ng positibo o negatibo kong karanasan - dahil ang mga karanasang ito ay binigyan ko ng positibo o negatibong 'charge' sa aking isip lamang at walang pisikal na batayan - kung saan lagi kong hinahanap ang mas mahalagang kahulugan ng kung sino ako - sa pagkakaruon ng akumulasyon ng mga 'positibong' karanasan - dahil natatakot ako na mawala ang aking karakter na ginawa ko lamang sa aking isip. Iwinalang bahala ko kung sino ako talaga.

Ginawa ko ito dahil 'NAGULUHA-n  a-K-o' - ng humiwalay ako sa pisikal na karakter na kung sino ako - ang katawan na andito sa lupa at mananatiling andito magpakailanman - nagbabago ng anyo - pero hindi nagbabago ng  HALAGA -  kapantay ng lahat ng nilalang, hayop, halaman atbp.- humihinga sa bawa't sandali - may katawan na galing sa lupa.

Gagamitin ko ang mga salitang ito at ibibigay ko sa aking sarili kung sino ako talaga - ang katotohanan ng kung sino ako talaga - kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - at tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat :

Pinapatawad ko ang saking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na ____.
Gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali.

Halimbawa:

Para sa Galit:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na magalit ako
- kung saan pumupunta ako sa aking isip at humihiwalay ako sa kung sino ako talaga - ang pisikal - ang katawan - ang hininga - na andito sa bawa't sandali - na andito magpakailanman.
-gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali - para sa  makabubuti sa akin at makakabuti para sa lahat.

No comments:

Post a Comment