Total Pageviews

Wednesday, 25 July 2012

2012: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tanong Na 'Sino Ako?' Day 22




         English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
                                                                     WHO AM I?

===


Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'
===
Sa blog na ito, bibigyan ko ng bagong kahulugan ang tanong na 'Sino Ako?'
===
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'

Ang Sino Ako ay isang pagtatanong sa sarili - kung saan ito ay pumupunta sa isip para alamin ang kasagutan sa tanong na ito - kung saan ang impormasyon na nakuha ng sarili ay binibigyan ng 'mas maraming halaga' kaysa sa sarili at ang sarili ay binibigyan ng 'mas maliit na halaga'.

Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso ng pagtutuwid sa sarili upang maging tunay na karakter - bilang pisikal - bilang hininga. na ang 'sino ako?' ay isang tanong sa sarili- ng sarili -  kung paano nilikha nito ang sarili sa loob ng isip - sa isang kahaliling katotohanan - bilang ang mga iniisip nito na mga  kaanasan  o ala- alala tungkol sa iang lugar o tao -  bilang positibo o negatibong karanasan na kapag inipon ay bubuo ng isang sistema kung saan  pwedeng bigyan ng buhay ang isang karakter  - nakikita nito kung paano niya ginawa ang karakter- bilang kahalili ng sarili - sa isip - at sa pamamagitan ng pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid sa bawa't sandali sa bawa't hininga - gagawa ito ng tunay na karakter - na kung sino ito talaga - bilang laman, katawan na pisikal.

Iniimbestigahan din nito kung paano sinuportahan ng sarili ang paggawa ng isang mundo na may mga karakter - na katulad o bilang sarili - isang karakter na binigyan nito ng buhay sa kaniyang isip na naghahangad ng kaligayahan sa mga positibong karanasan sa pagkakaruon ng maraming pera na nagbigay buhay sa sistema ng pera na meron tayo ngayon - base sa hindi pagkapantay - pantay ng taodito sa mundo.


Binibigyan din nito ng bagong kahulugan ang mga salita na ginagamit nito bilang ekspresyon ng kanyang sarili - na kapantay ng mga salita at titik - pati na simbolo na ginagamit nito sa pakikipag usap sa iba.

Tinutulungan din nito ang sarili sa pamamamagitan ng pagsulat at pagpapatawad sa sarili - pati na pagtutuwid dito - para itigil ang mga karakter na binigyan nito ng buhay sa isip


Binibigyan buhay nito ang tunay na sarili - ang karakter na pisikal - bilang katawan - na tumatayo sa kung anong makabubuti sa lahat.


Nakikita din nito na ang labas ay sinasalamin ng loob at ang loob ay sinasalamin ng labas - kung kaya't tumutulong ito na maitaguyod ang bagong sistema batay sa pagkapantay - pantay ng lahat- kung saan binibigyan ang lahat ng halaga na katumbas ng buhay.



No comments:

Post a Comment