Total Pageviews

Saturday 14 July 2012

2012: Pangalan: 'Sino Ako?' 'Ako Ang Santong Karakter Na Binigyan Ko Ng Buhay' Day 11



Related Blogs: English

===


Pagpapatawad Sa Sarili:

 Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ako sa loob ng  'Ako ang banal' na karakter - batay sa memorya na kung saan narinig ko na sinabi ng tatay ko na  pinangalanan niya ako ng pangalan ng isang santo na San Juan Bautista - na pagtukoy sa aking sarili sa loob ng mga salitang may positibo at negatibong halaga - santo at hindi santo - sa loob ng isang alaala o memorya.

Pagtutwid sa Aking Sarili:
Kapag nakikita ko ang aking sarili na tinutukoy ang sarili ko bilang 'ako ang santo' na karakter - titigil ako at hihinga - bilang pagpapaalala sa aking sarili na andito ako sa pisikal na katawan - at hindi ko kailangang pumunta sa aking isip - para mag karuon ng mga positibong karanasan sa paniniwalang mas mahigit pa ako sa aking sarili dahil ang pangalan ko ay galing sa isang Santo - babaguhin ko ang aking panimulang punto at sasabihin ko sa aking sarili o bibigkasin ito, 'andito ako'..

Gagawin Ko Ang Lahat Ng Aking makakaya Para Ituwid Ko Ang Aking Sarili:

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tanggalin ang karakter na ito- bilang isang alaala o memorya sa aking isip  - sa loob ng aking sarili at ittigil ko ang paghiwalay sa katawan kong pisikal at pagpunta sa isip para gumawa ng ilusyon sa loob ng aking sarili  - at tatayo ako kapantay ng katawan kong pisikal sa bawa't sandali ng aking paghinga.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para ilantad ko ang pagabuso sa mga halaman galing sa lupa - pisikal na kalikasan - at paggamit ng mga damit na gawa sa mg tela na galing sa halaman - upang pagandahin ang mga rebulto ng mga santo sa luob ng mga simbahan para lang sumaya ang mga tao

Gagawin ko ang lahatng aking makakaya para tulungan ko ang aking sarili sa pamamagitan nga pagsulat, pagpapatawad ng sarili at pagtutuwid ng aking sarili sa araw-araw - para itigil ang karakter na ito

No comments:

Post a Comment