Total Pageviews

Monday, 30 July 2012

Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Katanungang 'Nasaan Ako?' Day 26


Saan?
 Pagbibigay Ng Bagong kahulugan Sa Salitang 'Ako'===
 


Ayon sa Diksyunaryo, ang 'Saan?' ay nangangahulugang:sa loob o kung anong lugar?




Sa loob o kung anong lugar? - tinutukoy ang lugar na hiwalay sa sarili - bilang sukat ng puwang kung saan nakikita ang posisyon ng katawan - na ginwa sa isip - na tinutukoy sa pamamagitang ng oras - bilang nakaraan, ngayon at bukas - at mga pagbabago nito
Napagtanto nito sa proseso ng pagtutuwid sa sarili na ang lahat ay pantay-pantay dahil iisa ang kanilang pinanggalingan - ang lupa, ang pisikal
Binibigyan ng bagong kahulugan and salitang 'saan?'bilang sa loob o kung anong lugar? - na kung saan ang lugar ay katumbas ng kung sino ako talaga - ang sustansya ng pisikal - ang lupa bilang ang hininga sa bawa't sandali na andito. Sa lahat ng dako ay andito - dito.
                                                                             ===

              
     Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Katanungang  'Nasaan Ako? '
Humihingi ng isang kasagutan tungkol sa loob o kung anong lugar ? - lugar na hiwalay sa sarili - nakikita nito na andito and sarili sa daigdig na ito - kung saan mayroong mga positbo o negatibong karanasan ito - tungkol dito - bilang mga karanasan nuong nakalipas, ngayon at sa hinaharap - andito sa mundo na ang ekonomiya ay base sa hindi pakakapantay - pantay ng lahat - naghahangad ng mga positibong karanasan  sa loob ng paghahanap ng lugar na wala dito kung hindi nanduon sa ibang lugar - na pinaniniwalaan nito na may mas mahigit pang mararanasan ito - at dahil dito hndi nito makita nag sarili ay andito sa lupa - sa mundong ito na ginagalawan nating lahat.
Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso sa pagtutuwid sa sarili na ang lahat ay pantay - pantay dahil iisa ang ating pinagmulan - ang sustansya ng lupa o pisikal
Binibigyan nito ng bagong kahulugan ang katanungang 'asaan ako?' bilang katanungan kung asaan ito - bilang karakter na nilikha sa isip - na nag- iisip kung mayruon pang lugar na mas mahigit pa dito - at nakikita nito na naghahangad ang sarili pumunta sa lugar na iyon sa loob ng kaisipan -  kung saan magkakaruon ito ng positibong karanasan - alam nito na binuo nito iyon sa isip - na isang kahaliling katotohanan -itinutuwid nito ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin nito sa sarili - at pagimbestiga nito kung paano nito binuo ang mga masalimuot na pakakadugtong dugtong ng mga paguusap sa loob ng isip - mga paniniwala, paghuhusga sa sarili atbp - at ang pagpapatawad nito sa sarili sa pagbuo ng mga ito - at pakatapos na buwagin nito sa pamamagitang ng pagpapatawad sa sarili - ay iwinawasto nito ang sarili at muling binubuo ito bilang ang tunay na  karakter na kung sino ito talaga - galing sa sustansya ng lupa bilang pisikal - at tinutulungan nito ang sarili at binabalik ito sa katotohanan - na andito ito sa lupa - - bilang hininga sa bawa't sandali - Andirito ito kung saan ang lahat ng dako ay ang Dito.




Napagtanto nito na ang labas ay sinasalamin sa loob at ang loob ay sinasalamin sa labas - tumutulong din  ito sa pagtataguyod ng isang mundo na batay sa pagkapantay - pantay ng lahat.

Ang Salitang 'Sino' May Koneksyon sa Salitang 'Presidente' Day 25


   

      
SINO?

My Website:
===


===

Sa blog na ito, itinutuwid ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagpapatawad sa aking sarili sa pagbibigay ko ng positibo at negatibong halaga sa salitang 'sino' - kung saan ang salitang ito ay hindi ko nakikita kung ano ito talaga - isang salita na nagpapahayag kung sino ako  - bilang ekspresyon ng aking sarili
===
Pagpapatawad Sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na humiwalay sa aking sarili sa pagbibigay ko ng positibong halaga sa salitang sino
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na humiwalay sa aking sarili sa pagbibigay ko ng negatibong halaga sa salitang sino
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na bigyan ng positibong halaga ang salitang sino
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na bigyan ng negatibong halaga ang salitang sino
===


Ang Koneksyon Ng Salitang Sino Sa Mga Salitang Binigyan Ko Ng Positibo at Negatibong Halaga

Positibong Koneksyon:

 Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang katanyagan
 Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang katanyagan

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang kapalaran
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang kapalaran
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang kaligayahan
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko  na tukuyin ang salitang sino sa loon mg salitang kaligayahan
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang maganda
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang maganda
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang presidente
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tikiyon ang salitang sino sa loob ng salitang presidente
Negatibong Koneksyon:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang kriminal
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta and salitang sino sa salitang kriminal
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang pera
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang pera
pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa salitang masama
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang masama 
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ikonekta ang salitang sino sa loob ng salitang magnanakaw
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang salitang sino sa loob ng salitang magnanakaw
===

Pagtutuwid Sa Aking Sarili:

Gagawin  ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na humihiwalay ako sa salitang sino sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng positibo o negatibong halaga - hihinto ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto - at iwawasto ko ang aking sarili sa pamammagitan ng paggamit sa salitang sino bilang isang pagpapahayag ng sino ako

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na binibigyan ko ng positibo o negatibong halaga ang salitang sino - titigil ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto - at tutulungan ko ang aking sarili upang gamitin ang salitang sino bilang pagpapahayag ng sino ako

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na nakikipagusap ako sa aking mga kapamilya at mga kaibigan - 'i faflagpoint' ko ang aking sarili - at imbes na makipaghalak-hakan ako sa mga kwento nila ay gagamitin ko ang mga salitang aking bibigkasin bilang pagpapahayag kung sino ako

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikipagusap ako sa aking kapamilya o kaibigan ay gagamitin ko ang mga salitan na aking bibigkasin sa pagpapahayag ng kung sino ako talaga - imbes na makipaghalak-hakan ako sa tuwa sa pagtisismis sa kung anong ginagawa o anong nagyayari sa buhay ng mga artista o mga kamaganakan.

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikipagusap ako tungkol sa mga tanyag na tao - hihinto ako at hihinga - at imbes na bigkasin ko ang mga salita na binigyan ko ng positibo o negatibong halaga ay babagalan ko ang aking pagsasalita at pipiliin ko ang aking ginagamit na mga salita sa pagpapahayag kung sino ako talaga

===
===

Friday, 27 July 2012

2012: Tandang pananong: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tandang Pananong '?' Day 24





English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
Guide To Redefining Words:
===
Blogs Na May kaugnayan Sa Blog Na Ito:
===
===
Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tandang Pananong

Ayon sa Wkipedia, ang tandang pananong ay
ay isang bantas na ginagamit sa dulo ng isang patanong na pangungusap


Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tandang Pananong

Ito ay isang bantas o simbolo ns ginagamit sa katapusan ng isang patanong na pangungusap  - kung saan ang nagtatanong at ang tinatanong ay hiwalay sa pisikal na katotohanan-kung saan pumupunta ang sarili sa isip para pag isipan ang itatanong at ang kasagutan sa tanong. - kung saan ang mga impormasyong kailangan ay hiwalay din sa sarili 
 
Nakikita at nauunawaan sasariling proseso kung saan itinutuwid ang sarili  na ang lahat ay pantay-pantay - bilang mga nilalang na iisa ang pinangalingan - ang sustansya ng pisikal
 
 
Binibigyan ng bagong kahulugan ang  tandang pananong bilang bantas o simbolo na ginagamit sa katapusan ng patanong na pangungusap - kung saan ang nagtatanong at tinatanong ay pantay bilang parehong nilalang na isa ang pinangalingan - ang sustansya ng pisikal - at ang pagtatanong ay tungkol sa mga bagay- bagay na may kinalaman sa pisikal at ang mga katanungan ay makakatulong sa pagtutuwid ng sarili sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kung paano binigyang buhay ng sarili ang mga karakter na binibigyang buhay nito sa isip - at paano ito nito mapaghihiwalay at mapagtatagpi - tagpi ulit parang isang 'puzzle' - para maunawaan ng lubusan ang sariling isip at paano nito ito binuo - at nauunawaan din ang isip ng iba bilang sarili - at paano nito mabibigyang buhay ang tunay na sarili  sa pisikal - gumagalaw at nagsasalita at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat. Tumutulong din ito sa pagtataguyod ng isang mundo na nagbibigay karangalan sa buhay - na base sa pagkakapantay - pantay ng bawa't isa

2012 Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas' Day 23


 
 
Mga English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:  
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Salitang Bukas
 
Ayon Sa Diksyonaryo, ang kahulugan ng salitang 'bukas' ay:
sa hinaharap na pagkakataon
 
Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas'
 
Sa hinaharap na pakakataon, na kung saan tinutukoy ang panahon bilang hiwalay sa ngayon - hindi nakita ng sarili na ang bukas ay resulta ng ngayon - at ginagamit ito ng isang taong binibigyang buhay ang sarili bilang kahapon, ngayon at bukas -kung saan kailangang pumunta sa isip para magkaruon ng puwang ang pkahiwahiwalay ng sarili bilang kahapon, ngayon at bukas para magkaruon ng puwang ang pagkakaruon ng mga karanasan at ala-ala bilang memorya ng mga positibo at negatibong karanasan na nagbibigay buhay sa sarili bilang kahaliling katotohanan sa loob ng isip na ilusyon lamang - at itong ilusyon na ito ay binibigyang buhay natin sa ating paggalaw, pagsasalita at pagsulat sa araw-araw - bilang nilalang na nabubuhay sa loob ng isang ekonomiya na base sa hindi pagkakapantay-pantay ng lahat.

Nakikita sa pamamagitan ng proseso ng  pagtutuwid sa sarili ang katotohanan na lahat tayo ay pantay-pantay dahil nanggaling tayong lahat sa sustansya ng pisikal 
 
Binibigyan ng bagong kahulugan ang salitang 'bukas' - bilang ang hinaharap na pagkakataon na andito sa bawa't sandali - sa bawa't hininga - kung saan ako ay andito bilang pisikal na nilalang bilang katawan na nagsasalita, nagsusulat at gumagawa ng mga bagay-bagay na kailangang gawin sa araw - araw at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat
 
Nakikita na ang loob ay nasasalamin sa labas at ang labas ay nasasalamin sa loob - tumutulong ito sa pagtatagyuod ng bagong sistema ng ekonomiya na base sa pagkakapantay- pantay ng lahat - kung saan bubuhayin natin ang langit sa/bilang lupa.

 
 

Wednesday, 25 July 2012

2012: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tanong Na 'Sino Ako?' Day 22




         English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
                                                                     WHO AM I?

===


Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'
===
Sa blog na ito, bibigyan ko ng bagong kahulugan ang tanong na 'Sino Ako?'
===
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'

Ang Sino Ako ay isang pagtatanong sa sarili - kung saan ito ay pumupunta sa isip para alamin ang kasagutan sa tanong na ito - kung saan ang impormasyon na nakuha ng sarili ay binibigyan ng 'mas maraming halaga' kaysa sa sarili at ang sarili ay binibigyan ng 'mas maliit na halaga'.

Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso ng pagtutuwid sa sarili upang maging tunay na karakter - bilang pisikal - bilang hininga. na ang 'sino ako?' ay isang tanong sa sarili- ng sarili -  kung paano nilikha nito ang sarili sa loob ng isip - sa isang kahaliling katotohanan - bilang ang mga iniisip nito na mga  kaanasan  o ala- alala tungkol sa iang lugar o tao -  bilang positibo o negatibong karanasan na kapag inipon ay bubuo ng isang sistema kung saan  pwedeng bigyan ng buhay ang isang karakter  - nakikita nito kung paano niya ginawa ang karakter- bilang kahalili ng sarili - sa isip - at sa pamamagitan ng pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid sa bawa't sandali sa bawa't hininga - gagawa ito ng tunay na karakter - na kung sino ito talaga - bilang laman, katawan na pisikal.

Iniimbestigahan din nito kung paano sinuportahan ng sarili ang paggawa ng isang mundo na may mga karakter - na katulad o bilang sarili - isang karakter na binigyan nito ng buhay sa kaniyang isip na naghahangad ng kaligayahan sa mga positibong karanasan sa pagkakaruon ng maraming pera na nagbigay buhay sa sistema ng pera na meron tayo ngayon - base sa hindi pagkapantay - pantay ng taodito sa mundo.


Binibigyan din nito ng bagong kahulugan ang mga salita na ginagamit nito bilang ekspresyon ng kanyang sarili - na kapantay ng mga salita at titik - pati na simbolo na ginagamit nito sa pakikipag usap sa iba.

Tinutulungan din nito ang sarili sa pamamamagitan ng pagsulat at pagpapatawad sa sarili - pati na pagtutuwid dito - para itigil ang mga karakter na binigyan nito ng buhay sa isip


Binibigyan buhay nito ang tunay na sarili - ang karakter na pisikal - bilang katawan - na tumatayo sa kung anong makabubuti sa lahat.


Nakikita din nito na ang labas ay sinasalamin ng loob at ang loob ay sinasalamin ng labas - kung kaya't tumutulong ito na maitaguyod ang bagong sistema batay sa pagkapantay - pantay ng lahat- kung saan binibigyan ang lahat ng halaga na katumbas ng buhay.



Pagbibigay Ng Bagong kahulugan Sa Salitang 'Sino?' Sa 'Sino Ako?' Day 21






English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
Guide To Redefining Words:

===

Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa salitang 'Sino?'

Ayon Sa Diksyunaryo, ang 'sino' ay nangangahulugang
kung anong tao o mga tao?

Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa salitang 'Sino?'


Anong tao o mga tao? - tinutuko ang karakter o mga karakter bilang pisikal/katawan - hiwalay sa lahat - na umiikot sa mga positibo, na naghahanap ng positibong karanasan sa loob o bilang isip - sa isang mudo na ang ekonomiya ay base sa hindi pakapantay- pantay ng bawa't nilalang 

Nakita ang katotohanan sa pamamagitan ng proseso ng pagtutuwid sa sarili bilang tunay na karakter - bilang ang pisikal, bilang ang katawan, bilang ang paghinga - kapantay ng bawa't nilalang - ginawa mula sa parehong sangkap kung saan lahat ay nagmula

Anong tao o mga tao? Ang karakter o mga karakter - bilang tunay na karakter - bilang ang pisikal, ang katawan, bilang hininga - andito sa lupa - nagsusulat, nakikipag - usap at tumatayo sa kung anong makabubuti sa lahat. 



Sunday, 22 July 2012

Buhay Ko: 'Sino Ako?' Ako Ang 'Nakatatakot Na Kwento' Na Karakter' Day 19



English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:


===
===

Ito Ay Ang Pagsisimula Ng Series ng Blogs Tungkol sa Aking Pagkabata

===


Pagtigil Sa Karakter Na Ito:

Natanto ko  na ang ' nakakatakot na kwento' na karakter ay isang kahaliling bersyon ko na nilikha ko sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan - na ginawa kong parang totoo. Ititigil ko and karakter na ito at bibigyang buhay ko ang aking sarili bilang ang tunay na karakter -bilang ang laman / pisikal - patas sa lahat- ginawa mula sa parehong sangkap kung saan lahat ay ginawa - pantay at iisa.

Ang 'Nakakatakot Na Kwento' Na Karakter:


Nuong ako ay 7 o 8 taong gulang, ang tatay ko ay nagkuwento ng karanasan niya nuong siya ay bata pa 


Nakatira siya sa kanyang lola nuong siya ay bata pa. Isang araw, inutusan siya ng kanyang lola na pumunta sa tindahan para bumili ng suka. 
Gabi na at madilim na ang paligid ng lumabas siya ng bahay. Ang kalsadang nilalakaran niya aymaalikabok at maraming bato - at ang paligid ay puno ng damo. Medy natatakot siya pero wala siyang magawa dahil kailangan ng kaniyang lola ang suka. Umihip ang hangin at sa harap niya ay biglang bumulaga sa kaniya ang isang matandang babae na nakatuwad, mapula ang mga mata, nakatirik ang mga buhok, at ang kamay ay nakataas.
Ng ikinikwento niya ito, ginagaya niya ang ginagawa ng aswang sa kaniyang kwento at ang mga galaw nito at binibigyan niya ng buhay bilang isang aktor - kung saan ang boses o tinig niya ay nagsimulang mababa at ito ay lumalakas habang ang aswang sa kaniyang kwento ay sumisigaw. At sa paginog ng kaniyang kwento magkahalong takot sa aswang at saya na may nagkukwento ang aking nararanasan. Sa gitna ng kaniyang kwento bigla siyang tumayo at sinabi niya na kailangan niyang kumuha ng tubig sa kusina dahil siya'y nauuhaw na ikinagalit naming magkakapatid dahil mapuputol ang halo-halong takot at saya na aming nararamdaman kapag siya ay nagkukwento. Hinawakan namin ang kaniyang braso - at hinila namin ang damit niya para pigilan ang pagpunta niya sa kusina habang nagsisisigaw kami na ipagpatuloy niya ang kaniyang kwento
 
Gumawa ako ng larawan sa aking isip kung saan inilagay ko ang aswang pati na ang mga sinasabi ng tatay ko na anyo at galaw nito, pati na ang kulay ng kayang mata at pagkatirik ng kaniyang buhok. Tumayo ako sa harap niya sa loob ng aking isip at natakot ako sa ginawa kong larawan niya sa aking isip na kapareho ng larawang ibinigay sa akin ng aking ama sa a\kaniyang kuwento at ng huminto ang kwento ng aking ama, alam ko na wala sa loob ng kwarto ang aswang - pero ang takot ay nanduon pa rin dahil ang baka sakali na isang araw mapupunta ako sa madilim na lugar kung saan may aswang na darating sa harap ko - ay isang posibilidad.


Pagpapatawad Sa Aking Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot kapag may nagkukuwento ng tungkol sa aswang - na nanggagaling sa pagkainip ko sa pangaraw-araw na buhay ko na walang  pagtaas at pagbaba ng emosyon at hindi ako nagkakaruoon ng magkahalong takot at saya kung saan ako bilang isang karakter na ginawa ko sa aking isip - na nabubuhay na alipin ng enerhiya na galing sa aking mga negatibo, neutral at positibong karanasan - at naghahangad ng kaligayahan sa pagkakaruon ng mga karanasang ganito - kung saan gumagawa ako ng larawan sa aking isip ng aswang - at ginagawa ko itong isang sine na ako ang direktor at akrtor sa loob ng aking isisp - tumatayo ako at umaarte sa loob nito kung saan kapag sumisigaw ang aswang sa aking isip para takutin ako - ako din ay sumisigaw sa takot - hindi ko nakikita na ito ay isang sine na ako ang bida na ginawa ko sa aking isip - at walang pisikal na katotohanan - at ako bilang tunay na ako - kung sino ako talaga - ang pisikal - ay binabale wala at ipinagpapa isang tabi lamang -at hindi ko binibigyan ng pansin ang katotohanan na tayong lahat ay gawa sa iisang sustansya ng pisikal.
 

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'naiinip dahil walang kwento' na karakter

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa  loob ng 'nakakatakot na istorya' na karakter - kung saannagpupunta ako sa aking isip at gumagawa ako ng sine sa pamamagitan ng paglikha ng mga larawan base sa kwento na naririnig at nakikita ko na binibigyang buhay ng aking ama. pinapatawad ko din ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na pumunta sa aking isip at humiwalay sa katotohanan ng katawang pisikal - kung saan gumawa ako ng relasyon ng isip at pisikal na katawan - at pinagisa ko ito. Pinapatawad ko din ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maniwala na ang karanasan ko sa aking isip ay tunay - hindi ko nakikita na ito ay kathang isip lamang


Gagawin ko ang Lahat Ng Aking Makakaya para Itigil Ang Karakter na Ito:


Gagawin ko ang lahat  sa aking sarili - na kapag nakikita ko na ako ay nabobored sa pang araw-araw na buhay - hihinto ako at hihinga. Babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na maghangad ng mga positibong karanasan sa pakikinig ng mga kwentong tungkol sa aswang -sa pamagitan ng magkahalong takot at saya -na ginagawa ko sa aking isip- ibabalik ko ang aking sarili sa katotohanan ng pisikal - sa baawa't paghinga sa bawa't sandali. 



Gagawin ko ang lahat sa aking sarili - na sa pamamagitan ng pagsulat, pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid dito - tutulungan ko ang aking sarili na itigil ang karakter na ito
gagawin ko ang lahat sa aking sarili na itigil ko ang mga ala-ala, mga karanasan, mga larawan, mga paghahangad atbp - sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghiwala sa isip at katawang pisikal - bilang mga ala- ala, larawan atbp - sa loob ng aking sarili at tatayo akong kaisa ng pisikal sa bawa't hininga, sa bawa't sandali. 

Pag-uusap Sa Aking isip::Paano kung isang araw makita ko ang isang matandang babae na may isang pulang mata na nakatayo ang buhok - at nakatuwad sa harap ko na ang mga kamayay nakataas sa isang madilim na lugar ? Sisigaw ako sa takot.
'Gusto ko ng mga kuwento, dahil nagbibigay ito sa akin ng magkahalong takot at saya.'Hindi ko gusto na itigil ng tatay ko ang kwento dahil ayaw ko matigil ang magkahalong takot at saya na nararamdaman ko.



Pagpapatawad sa Aking Sarili:Pinapatawad ko ang aking sarili nsa pagtanggap at pagpayag ko sa aking sarili na gamitin ang 'backchat'  
 bilang isang paraan upang matakot sa kung anong mangyayari bukas kung saan humuhiwalay ako sa kung ano ang andito - ang pisikal na katotohanan - hindi ko nakikita na andito ako bilang hininga sa bawa't sandali 


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang 'backchat' bilang 'nakakatakot na istorya' na karakter na isang paraan ng paghahangad na magkaruon ng mga positibong karanasan sa pamammagitan ng pakikinig ng kwentong nakakatakot - kung saan binibigyang buhay ko ang aking sarili bilang enerhiya na umiinog sa negatibo, neutral at positibong karanasan - hindi ko nakikita na andito ako kaisa ng pisikal sa bawa't hininga sa bawa't sandali.

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ituloy ang pagbibigay ko ng buhay sa 'nakakatakot na kwento' na karakter - para magkaruon ako ng positibong karanasan sa pagkakaruon ng mga negatibo, neutral at positibong karanasan galing sa mga nakakatakot na kwento ng aking ama.

Gagawin ko Ang Lahat Para Ituwid Ko Ang Aking Sarili


Gagawin ko ang lahat para ituwid ko ang aking saili - na kapag nakikita ko na ginagamit ko ang 'backchat' bilang isang paraan upang matakot sa hinaharap - hihinto ako at hihinga - at titingnan ko ang katotohanan na ginawa ko ito sa aking isip  - at ang karakter na ito ay kahaliling bersyon ng kung sino ako talaga - ang katawang pisikal na andito - humihinga sa bawa't sandali.
gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na naghahangad ako ng mga positibong klaranasan sa pagkakaruon ng negatibo, neutral at positibong karanasan - titigil ako - at hihinga at ibabalik ko ang aking sarili sa kung ano ang andito- ang sustansya ng pisikal - kung saan tayong lahat nanggaling

Ang Mga Galaw Ng Aking Katawan habang Nakikinig ng Kwento:===


Tumili ako at sinabi ko sa aking tatay na 'Hindi ka maaaring umalis, dito ka lang at ipagpatuloy mo ang iyong kwento. Ang mata ko ay bukas at malaki, bahagyang nakatikwas ang ulo, likod ng ulo nakalapat sa likod ng leeg, mga braso magkahawak, pigil ang hininga, mabilis ang tibok ng puso, gumigiling ang tiyan

=== 
Pagpapatawad Sa sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko bilang 'mata' na nakabukas ng malaki sa takot


Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko 'bialng mata' na nakabukas ng malaki sa takot - hihinto ako - hihinga  at gagamitin ko ang mata para i ekspress ang aking saarili 


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko sa aking sarili  'bilang larynx'- bilang boses' takot

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili 'bilang ang 'larynx' bilang boses - na kapag nakikita ko ang aking sarili na takot - hihinto ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto na imbes na ako 'bilang larynx' ay takot  ibabalik ko ang aking atensyon sa akin bilang hininga Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko ' bilang ulo' na nakatikwas takot

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya  sa aking sarili 'bilang ulo' na natikwas - na kapag nakikita ko ang aking sarili na takot  - hihinto ako at hihinga - at ibabalik ko ang aking sarili sa kung anong andito - sa pisikal at susuportahan ko ang aking katawan bilang ako - at ang aking paghinga, bilang ako 

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang ulo' na ang likod ay nakalapat sa likod ng leeg na matakot 

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa aking sarili - na kapag nakikita ko na ako 'bilang likod ng ulo' na nakalapat sa likod ng leeg - ay natatakot - titigil ako - hihinga ako at hahanap ako at ipoposisyon ko ako 'bilang katawan' kung saan susuportahan nito ako' bilang hiniga'.

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang braso' na nakahalukipkip, 'bilang ang kanang kamay' nakahawak sa akin 'bilang  kaliwang braso' sa itaas nito at ako 'bilang kaliwang kamay' nakahawak sa akin 'bilang kanang braso' na matakot


 Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang braso' na nakahalukipkip, 'bilang ang kanang kamay, nakahawak sa akin 'bilang kaliwang braso' sa itaas nito at ako 'bilang kaliwang kamay' nakahawak sa aking 'bilang kanang braso' na natatakot - titigil ako at hihinga at bibilang ako ng 1-2-3-4 habang humihinga ng pailalim - titigil at bibilang ng 1-2-3-4 bago hihinga ng palabas habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumubilang ng 1-2-3-4 at uulitin ko ito hanggang makita ko na ako ay andito sa pisikal at sasabihin ko sa aking sarili 'andito ako'.





Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko 'bilang puso' na tumitibok ng mabilis na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'nakakatakot na kwento' na karakter na matakot


Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang puso' na tumitibok ng mabilis - ay tinutukoy sa loob ng 'nakakatakot na kwento' na karakter ay natatakot- hihinto ako - hihinga ako ng pailalim habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumibilang ng 1-2-3-4, at hihinga ng palabas habang bumibilang ng 1-2-3-4 at titigil habang bumibilang ng 1-2-3-4 at hihinga ako ng natural kasama ang enerhiya at hihinga ako ng palabas kung saan kaisa ako ng aking katawan at hininga at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko ' bilang tiyan' na gumugiling sa pagtukoy ko sa aking sarili 'bilang nakakatakot na kwento' na karakter na matakot
Gagawin ko ang lahat para sa aking sarili na kapag nakikita ko na ako 'bilang ang tiyan' na gumigiling' ay natatakot - hihinto ako at hihinga ng pailalim na kaisa ng katawan at hininga kaisa ng enerhiya -at ilalabas ko ito - at hihinga ako ng palabas papunta sa lupa, at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.

Saturday, 21 July 2012

2012:'Sino Ako?' Ako Ang ''Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter Day 18



English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
Continuation of this Blog:
===
===
Translation Ng English Blog Na Ito:
===


Pagtigil Sa 'Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter


Itiitgil ko ang 'bawal ilantad ang katawan' na karakter sa blog na ito. Gagamitin ko ang pagsulat, pagpapatawad sa aking sarili at ilalahad ko kung paano ko iwawasto ang aking sarili. Ang karakter na ito ay ginawa ko sa sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan hiwalay mula sa pisikal na katotohanan. Bibigyan ko ng buhay ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - ang andito sa lupa - may katawang pisikal - katulad ng bawa't nilalang - kung saan lahat tayo ay nagmula sa sustansya ng pisikal - na magkapantay - pantay. At tatayo ako para sa kung anong makabubuti para sa lahat.
===
Itutuwid ko ang aking sarili  - hindi lamang para itigil ang aking sarili ngunit para din itigil ang pagsuporta ko sa mga karakter na sinusuportahan ko na humubog sa buong mundo.
===
'Ako' bilang Ang Lahat
Ang Character At Mga Karakter Sa Mundo
===
 'Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter

Pagpapatawad Sa Sarili:

Pinapatawad Ko Ang Aking sarili 'bilang mga magbabatas' sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ako sa loob ng ''takipan ang utong sa publiko' na karakter - na pumipigil sa expresyon na natural ng katawan dahil sa mga panuntunin ng komunidad na ginagalawan natin na sinangayunan ng nakararami - at ang moralidad na pinaiiral sa ating komunidad - na base sa mga paniwala ng mga karakter sa komunidad na nanggaling sa mga nababasa nila at naririnig sa iba - at hindi ito galing sa sarili nating pagtuklas ng kung sino tayo talaga at kung sino tayo bilang ang katawang pisikal na gawa sa laman na galing sa  sustansya sa lupa/pisikal. Hindi natin nakita na ang katawang pisikal ay kapantay ng lahat ng expresyon at manipestasyon dito sa lupa. Hindi rin natin maitatanngi na ang mga bata ay pwedeng tumakbo ng hubad sa kalye ngunit hindi natin binibigyan ito ng malisya. Hindi natin nakita na ang pagbabawal sa paglalantad ng didbdibay hindi makasusugpo sa problema ng komunidad tungkol sa pagkakaruon ng paghahangad ng mga lalaki sa pakikipagtalik dahil sakit ito ng pagkakaruon natin ng sosyodad na base sa hindi pagkapantay - pantay ng bawa't nilalang.


Pagpapatawad Sa Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili 'bilang mga aktibista na nagpapahayag ng pagtutol sa batas ng pagtatakip sa utong' sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'tutol ako sa sa pagtatakip ng dibdib' na karakter kung saan naghihimagsik ako laban sa mga batas na ipinapasa ng mga mambabatas tungkol sa mga tuntunin kung ano ang dapat isuot at ano ang hindi ayon sa moralidad ng komunidad na kinalalagyan natin - bilang paran ng pagkuha ko ng kalayaang pansarili - na binibigyan natin ng kaganapan sa labas ng ating sarili - hindi natin nakita na ang tunay na kalayaan ay pwede nating ibigay sa ating sarili - sa pagtigil ng ating paghiwalay sa kung sino tayo talaga - at pagtigil natin sa pagpunta sa ating isip - kung saan tinitingnan natin ang katotohanan at binibigyan natin ng buhay ang tunay na karakter na andito sa lupa na gawa sa sustansya ng pisikal - na kung saan lahat ng nilalang ay makapantay- pantay. Dahil sinasalamin ng loob ang labas, tumutulong din tayo sa pagbubo ng bagong ekonomiya na base sa pagkapantay-pantay ng bawa't nilalang. Ito ang tunay na kalayaan na pilit nating kinukuha sa labas ng ating sarili. Hindi natin nakita na  hindi mabubuhay ang kung sino tayo talaga sa isang ekonomiya na base sa hindi pagkapantay - pantay ng lahat - na ang expresyon natin bilang mga nilalang ay kailangang magkatugma sa loob ng ating sarili gayun din  sa labas o sa sosyodad na ating ginagalawan.
===

Pagtutuwid Sa Aking Sarili

Pagtutuwid Sa 'Takipan Ang Utong sa Publiko' na Karakter


Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kapag nakikita ko ang aking sarili na tinutukoy bilang 'takipan ang utong sa publiko' na karakter - titigil ako at hihinga - babaguhin ko ang aking panimulang punto at imbes na tukuyin ko ang aking sarili sa loob ng paghiwalay ng  aking isip sa katawang pisikal - titingnan ko ang pagkkaisa ng isip at ng pisikal - kung saan nauunawaan ko kung paano ko ginawa ang kahaliling karakter na ito sa aking isip at dahil alam ko kung paano ko ito ginawa alam ko din kung paano ko ito ititigil - at tatayo ako sa kung anong makabubuti sa lahat - bilang isang tunay na karakter na gawa sa sustansya ng laman o pisikal o lupa - kapantay ng bawa't isa.

Pagtutuwid Sa 'Naghihimagsik Sa Pagpigil sa aking Natural Na Ekspresyon' Na Karakter
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kapag nakikita ko ang aking sarili na tinutukoy bilang 'naghihimagsik sa pagpigil sa aking natural na ekpresyon' na karakter - titigil ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto- at imbes na maghimagsik ako ay  titngnan ko ang katotohanan na ako ang magbibigay sa sarili ko ng kalayaan - kung saan ititigil ko ang paghahangad ng mga positibong karanasan sa loob ng aking sarili at bibigyang laya ko ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - ang laman at hininga na gawa sa sustansya ng pisikal - kapantay ng bawa't nilalang - at tumatayo para sa kung anong makabubuti para sa lahat.


Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ihinto ang 'takipan ang utong sa publiko' na karakter
- bilang mga larawan, mga ala-ala, mga karanasan, paghahangad, paniniwala atbp.- sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghiiwaly ng isip at ng pisikal - bilang paghahangad ng positibong karanasan sa loob ng aking isip - as loob ng aking sarili at tatayo ako na kaisa ng pisikal sa bawat hinga sa bawa't sandali.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ihinto ang ' naghihimagsik sa pagpigil sa aking natural na ekspresyon' na karakter - bilang mga larawan, mga ala-ala, mga karanasan, paghahangad atbp. - sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghihiwalay ng isip at pisikal - bilang paghahangad ng positibong karanasan sa loob ng aking isip - sa loob ng aking sarili at tatayo ako na kaisa ng pisikal sa bawa't hininga, sa bawa't sandali.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya - kung saan sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpapatawad sa sarili at pagtuwid sa aking sarili sa bawa't hininga sa bawa't sandali - tutlungan ko ang aking sarili na itigil ang mga karakter na binigyan ko ng buhay .