Total Pageviews

Monday, 6 August 2012

Sino Ako? Ako Ang 'Naiinggit Ako Dahil Mas Masarap Ang Bukayo Ninyo' Na Karakter Na Binigyan Ko Ng Buhay Day 30

                                                                                          English Links:



Ang Aking Website:
===

===
Store
===


Ang 'Naiinggit Ako Dahil mas Masarap Ang Pagkain Ninyo' na Karakter


===

Itutuwid ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsulat ng kapatawaran sa aking sarili at pagtuwid sa aking sarili sa bawa't sandali - bilang isang 'naiinggit ako dahil mas masarap ang pagkain mo' na karakter at bibigyan ko ng buhay ang tunay na karakter na humihinga na tumatayo sa kung ano ang pinakamabuti sa lahat

===
Pagpapatawad Sa Sarili

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagnanakaw ng bukayo sa bote ng aking mga kaibigan dahil sa paniniwala ko na mas masarap ang bukayo nila kaysa sa aking bukayo dahil may gatas ito at ang akin ay wala - kung saan ang paniniwalang ito ay base sa kung anong masarap at kung anong hindi masarap 



Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang bukayo sa loob ng masarap o hindi masarap - kung saan hinuhusgahan ko ang ekspresyon nito 


Pinapatawad ko ang sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na kumain ng bukayo base sa aking pagnanasa na makatikim ng pagkaing matamis at masarap  na makapagbibigay sa akin ng kasayahan o positibong karanasan sa aking isip - hiwalay sa kung sino ako talaga - kapantay ng ekspresyon ng bukayo at ng lahat ng ekspresyon sa lupa


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na husgahan ang pamamaraan ng pagluluto ng aking ina na ito ay ordinaryo at hindi masyado ito marunong magluto at husgahan ang pamamaraan ng pagluluto ng ina ng aking mga kaibigan na ito ay mahusay at marunong magluto - kung saan binibigyan ko ng positibong halaga ang ina ng aking mga kaibigan -  at binibigyan ko ng negatibong halaga ang aking ina 


Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na nagnanakaw ako ng pagkain ng iba  - hihinto ako at hihinga - at imbes na magnakaw ay tutulungan ko ang aking sarili na makontento sa kung anong meron ako - kung saan nakikita ko na ang lasa ng bukayo ay ekspresyon nito - kapantay ng aking ekspresyon dito sa lupa - ibabalik ko ang aking sarili dito - bilag hininga sa bawa't sandali at ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko ang mga salitang, 'andito ako'.


Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na tinutukoy ko ang bukayo sa loob ng masarap at hindi masarap - titigil ako at hihinga - at tutulungan ko ang aking sarili na makita ang katotohanan na ang bukayo ay pagkain - na maraming asukal at titingnan ko muna kung ito nga ang kailangan ng aking katawan - at magdedesisyon ako kapag sigurado ako at hindi ako nagsisinungaling sa aking sarili para lang magkaruon ng kaligayahan o positibong karanasan sa pagkain nito - ibabalik ko ang aking sarili dito - bilang hininga sa bawa't sandali - at ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko ang mga salitang, 'andito ako'.


Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na nagnanasa ako na kumakain ng bukayo dahil gusto kong matikman ang sarap nito para lumigaya ako o magkaruon ako ng positibong karanasan sa pagkain nito - hihinto ako - hihinga at tutulungan ko ang aking sarili na makita ang katotohanan na ang pagkain ay andito para tulungan ang ating katawan mabuhay at hindi para magbigay sa akin ng kaligayahan - sa loob ng aking isip sa pamamagitan ng pagkonekta ko ng lasa ng bukayo na may gatas sa salitang masarap at sa positibong karanasan na nakukuha ko sa pagkain nito - ibabalik ko ang aking sarili dito - bilang hininga sa bawa't sandali - ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko ang salitang 'andito ako'.

No comments:

Post a Comment