Total Pageviews

Wednesday, 1 August 2012

Ang Hininga: 'Sino Ako?' Ako Ang 'Hindi Ko Napapansin Ang Aking Paghinga Habang Nagsusulat' Na Karakter Day 28 English Translation: The Breath 'I Am Not Aware Of My Breath When I Write'



English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:


===
===
Store
===

Ito ay Ang Simula ng isang serye ng mga Blog Tungkol sa Akin Bilang Ang Hininga

Pag-alis Ko Sa Karakter Na Ito:
Aalis ako sa 'hindi ko napapansin ang aking paghinga habang nagsusulat' na karakter. Sa blog na ito ilalahad ko ang pagpapatawad ko sa aking sarili bilang karakter na ito at kung paano ko itutuwid ang aking sarili  para bigyan ng buhay ang tunay na karakter bilang ang pisikal na andito sa lupa - tumatayo sa kung ano ang pinakamabuti sa lahat.

Pagpapatawad sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'hindi ko napapansin ang aking paghinga habang nagsusulat' na karakter - kung saan sa pagtuon ng aking mata sa screen ng computer, hindi ako ko napapansin ang aking paghinga - kung saan wala ako dito - asa isip ko ako - bilang isang kahaliling ako - isang karakter na nakakulong sa aking isip - naghahanap ng impormasyon na aking isusulat sa aking isip - hiwalay sa tunay na pisikal na ako.

Paano ko Itutuwid Ang Aking Sarili:
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili  na kapag nakikita ko na tinutukoy ko ang aking sarili sa loob ng 'hindi ko napapansin ang aking hininga habang nagsusulat' na karakter - hihinto ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto na sa halip na pumunta ako sa aking isip at pagaralan ko ang aking sarili - dadalhin ko pabalik sa pisikal ang aking sarili at hahanapin ko ang posisyon ng katawan kung saan luluwag ang aking paghinga upang masuportahan ko ang aking sarili - bilang katawan - bilang hininga


===
Pag-uusap Na Nagaganap Sa Aking Isip At Paano ko Itutuwid Ito:

'Bakit ko pinipigilan ang hininga ko habang ako ay sumusulat? Maluwag ang aking paghinga at kaisa ko ang aking paghinga dati, bakit ito nangyayari? 
===
Pagpapatawad Sa Aking Sarili:

Paguusap Na Nagaganap Sa Aking Isip ( 'Backchat' o 'Back talk') 

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang 'back talk' (paguusap na nagaganap sa aking isip)  bilang isang paraan para pagaralan ko kung anong ginagawa ko bilang tagamasid - na nasa isang kahaliling katotohanan - sa aking isip - hiwalay sa aking sarili - sa pisikal na ako na humuhinga sa bawa't sandali -at ang kapalit nito ay ang pagpigil ko sa aking hininga - kung saan ang nahihirapan ay ako din. Pinapatawad ko din ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'hindi ko alam kung paano ang tamang paghinga' na karakter - at naniwala ako sa aking isip na hindi ko alam kung paano huminga ng maluwag - kung saan ang hininga at ako ay iisa - hindi ko nakita na andito ako kaisa ng hininga sa bawa't sandali.

Pagtutuwid Ng Aking Sarili
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na ginagamit ko ang 'back talk' bilang paraan upang pag-aralan at obserbahan ang aking paghinga - sa aking isip - hiwalay sa katawang pisikal - titigil ako at babagalan ko ang aking galaw - at hahanapin ko ang posisyon na kung saan susuportahan ko bilang katawan ang sarili ko bilang hihinga

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na tinutukoy ko ang aking sarili sa loob ng 'hindi ko napapansin na humihinga ako habang nagsusulat' na karakter  - hihinto ako at babagalan ko ang aking paggalaw at hihinga ako.Hahanapin ko ang posisyon ng katawan na susuporta sa akin bilang hininga - at sisiyasatin ko ang network ng mga relasyon na aking ginawa sa aking isip - at tutulungan ko ang aking sarili na ihinto ito sa pamamagitan ng pagsulat, pagpapatawad sa sarili at pagtutuwid dito.

===
Paano Ko Ginagamit Ang Aking Pagkilos Para Bigyan Ng Buhay Ang Karakter na Ito At Ano Ang Aking Gagawin Para Ituwid Ito:
===
Pagkilos Ko habang may ginagawa ako sa computer:
Mga kamay sa ibabaw ng aking tiyan, ang mga puwit upo pababa, ang mga mata na naghahanap ng tuwid sa screen ng computer.
===
Pagpapatawad sa Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na manipulahin ko ang aking sarili 'bilang kamay' nasa ibabaw ng tiyan na pag-aralan at obserbahan ang aking paghinga - sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan - na hiwalay sa pisikal na katotohan - hiwalay sa hininga - na bilang isang  tagamasid - hindi ko nakita na ako ay kaisa ng hininga.

Pagtutuwid Sa Aking Sarili
Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na minamanipula ko ang aking sarili na pag-aralan  at obserbahan ang aking paghinga - 'bilang kamay' na nasa tiyan - hihinto ako at hahanapin ko ang posisyon ng katawan na susuporta sa aking sarili bilang hininga

Pagpapatawad Sa Aking Sarili
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na manipulahin ko ang aking sarili 'bilang puwit' na nakaupo sa bangko - na pag-aralan at obserbahan ang aking hininga - sa aking isip - na isang kahaliling katotohanan - hiwalay sa pisikal na katotohanan - hindi ko nakikita na ako ay kaisa ng hininga.

Pagtutuwid Sa Aking Sarili
Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na minamanipula ko ang aking sarili na pag aralan at obserbahan ang aking hininga - sa aking isip - 'bilang puwit' na nakaupo sa bangko- titigil ako - babagalan ko ang aking pagkilos at hahanapin ko ang posisyon na susuporta sa aking sarili bilang hininga.


No comments:

Post a Comment