Total Pageviews

Thursday, 25 October 2012

'Hanapan Mo Nga Ako Ng Mapapangasawang Mayaman,': Day 40




 


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot na maghirap ako at dahil dito ay maghangad ng kaligayahan galing sa pagkakaruon ng asawang mayaman

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na ako ay natatakot maghirap - titigil ako at hihinga, at ibabalik ko ang aking sarili dito sa pisikal/katawan - at titingnan ko ang paggamit ko ng pagiisip para i manipulate and katawan na makipagtalik sa isang tao -para lamang  ijujustify ko ang paghahangad ko magkaruon ng asawang mayaman at paghahangad ko ng pera at i cocover up ko ito sa pamamagitan ng pagaanounce ko na kailangan kong mabuhay dahil 'mahirap mabuhay na magisa sa Pilipinas na may mga anak

Pinapatwad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot magkaruon ng sakit at dahil dito maghangad ng kaligayahan sa pagkain ng mga prutas at gulay na makakapagpalusog sa aking katawan


Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na ako ay natatakot magkaruon ng sakit, titigil ako at hihinga at imbes na maghangad ako ng kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at hindi pagkain ng karne - titingnan ko ang katotohanan na ang hayop at gulay ay pinapatay pareho para magkaruon ng pagkain ang mga tao at magkaruon ng pera - at hindi titigil ang pagpatay ng hayop dahil ito ay nagbibigay ng pera sa mga taong kinauukulan - at aasiste ako na itaguyod ang pageestablisa ng isang mundo na base sa pagkapantay pantay ng tao



Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot mamatay at dahil dito maghangad magkaruon ng buhay na walang hanggan



Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kung nakikita ko na ako ay natatakot mamatay, titigil ako at hihinga at imbes na maghangad ako ng buhay na walang hanngan - titingnan ko ang kattotohanan na ang tao ay namamatay at nabubuhay sa bawa't 'in breath at out breath' at lahat ng tao ay namamatay at tutulungan ko ang aking sarili na marealise na buhay ako andito ako - at mahalagang mabuhay ako na itinataguyod ko ang kapakanan ng aking sarili sa pamamagitan ng pagintindi sa kung sino ako talaga - bilang pisikal - bilang laman at dugo - kapantay ng laman /pisikal ng mga halaman at mga hayop at iimbestigahin ko ang DIP Lite , isang Free Course tungkol sa pagunawa sa sarili





Saturday, 6 October 2012

'Oo Gagawing ko Yan Bukas' : Mga Pangakong Napapako: Day 39





 

'Postponement' Character Blogs


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na bigyan ko ng buhay  ang aking sarili sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan- sa pamamagitan ng pagiisip kung paano ko pagkakasyahin ang aking oras para gawin ang mga dapat kong gawin - imbes na igalaw ko and aking mga paa at kamay at gawin ko ang dapat kong gawin at tapusin ko ito

Gagawin ko ang lahat na aking makakaya na kapag nakikita ko na nagiisip ako kung kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin - titigil ako at hihinga - at imbes na isipin ito - tulungan ko ang aking sarili na ikilos ang aking mga paa at kamay para isulat ang aking gagawin - at bigyan ito ng alokasyon na oras kung kelan ko ito gagawin at tutulungan ko ang aking sarili na gawin ito at tapusin.

Wednesday, 29 August 2012

Paghahangad Na Makaranas Ng 'Sex' Day 38 Desire To Experience Sex




===
===
===
 

===

Paghahangad Na Makaranas Ng 'Sex'

Pagpapatawad Sa Sarili

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maghangad na makaranas  ng sex - sa paniniwalang kapag nagkaruon ako ng relasyon at ako ay magka- asawa - ako ay magkakaruon ng karanasan sa sex - hindi ko nakita na itong pagnanasa na ito ay  ginawa ko sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan na walang tunay na pisikal na katotohanan at naniwala ako na ito ay magbibigay sa akin ng positibong karanasan na kung saan ako ay liligaya  - hindi ko nakita na ang kaligayahan na hinahangad ko ay gawa ko sa aking isip bunga ng aking imahinasyon - kung saan hindi ko nakita na itong pagnanasa na ito ay nagmula sa pagkatakot ko na tingnan kung sino ako bilang kapantay  ng pisikal - bilang ang  katawan - ang lupa - galing sa iisang sangkap - bilang sustansya ng  pisikal - kapantay ng lahat ng nilalang dito 

Gagawin ko ang lahat na kapag makikita ko ang aking sarili na nagnanasa na makaranas ng sex - titigil ako at hihinga. Na realize ko na ito ay ginawa ko bilang pagtukoy ko sa aking sarili  sa loob ng positibong karanasan sa hinaharap  - umaasa at naniniwala na kapag ako ay nakaranas nito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa aking asawa sa hinaharap ako ay liligaya - hindi ko nakita na galing ito sa takot ko na tingnan kung sino ako bilang kapantay ng sustansya ng pisikal - bilang laman, bilang dugo - bilang katawan - kapantay ng lahat ng nilalang - kaya sa halip na pabayaan kong itulak ako ng takot - tutulungan ko ang aking sarili na magkaruon ng tunay at totoong relasyon sa aking katawan - sa pamamagitan ng pagtingin sa kung sino ako kapantay ng pandama at paggalaw -  na kaisa ng aking sarili - sa bawa't hininga - sa bawa't sandali

English:
Self-forgiveness
  1. I forgive myself that i have accepted and allowed myself to desire to experience sex- believing sex will give me an ecstatic positive experience not realizing that i am coming from a starting point of 'fear of looking at who i am as equal to/as my body'  - defining myself within 'fear of looking at who i am as equal to/as my body '

Self-correction Script:
I commit to when and as i see myself desiring to experience sex - believing sex will give me an ecstatic positive experience - i stop - i breathe. I realize that desiring sex is defining myself within a future positive experience - hoping and believing that this will give me a positive experience within having sex with someone - coming from fear of looking at who i really am -  equal to/as the body - so instead of fear directing me - i am assisting myself to  equalize myself to who i am as the body - within self-intimacy - so that instead of manifesting fear in ones physical body - i will assist myself to stop participating in fear - assist myself to get to know the body and form an intimate real physical relationship with/as it - through touch and movement - as i move me as the breath in every moment here. 

Sunday, 26 August 2012

Takot Sa Taong Nagagalit: Pagpapatawad Sa Sarili Day 37: Self-forgiveness: Fear Of Angry People



Fear of Angry People
===
===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?
===


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot sa taong galit.

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na natatakot ako sa taong galit - titigil ako at hihinga. Tutulungan ko ang sarili ko na huminahon at maging 'stable' bilang hininga sa bawa't sandali.  Narealize ko na ang lakas ng boses ay binigyan ko ng negatibong halaga at kinonekta ko sa galit. Tutulungan ko ang aking sarili na gamitin ang sentido kumon at marealize na ang boses ng tao ay pwedeng bumaba o tumaas - at tutulungan ko ang aking sarili na huwag magreact dito at hindi ito ikonekta sa ano mang bagay, paniniwala o idea.

Friday, 24 August 2012

Galit Sa Kapatid: Pagpapatawad Sa Sarili: Day 36 Self-forgiveness For Anger Towards Sister



===
===
 
===
===

Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?



Pagpapatawad sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magalit sa aking kapatid

Pagtutuwid sa Sarili:
Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na nagagalit ako sa aking kapatid - hihinto ako at hihinga. Tutulungan ko ang aking sarili na tingnan ko kung saan galing ang reaksyon na ito at ibabalik ko ito sa aking sarili.. Na realize ko na ang galit na ito ay ginawa ko sa aking isip - bilang isang karakter sa isip - sa isang kahaliling katotohanan - hiwalay sa kung sino ako talaga - ang tunay na karakter na andito sa lupa - bilang laman, bilang dugo at bilang katawang pisikal na kapantay ng bawa;t nilalang dahil lahat tayo ay nagmula sa parehong sustansya ng pisikal/lupa. Ipapadyak ko ang aking paa at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.

Monday, 20 August 2012

'Pagsisinungaling Kapag Nakikita Kong Magagalit Ang Aking Kausap': Pagpapatawad Sa Sarili Day 35 Telling A 'Lie' Knowing Someone 'Will Get Angry When I Tell the Truth': Self-forgiveness



LYING

===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magsinungaling kapag nakikita ko na magagalit ang taong kausap ko 

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang aking sarili na nagsisinungaling - kapag nakikita ko na magagalit ang kausap ko - kapag sinabi ko ang tutuo - titigil ako - hihinga. Narealize ko na ito ay galing sa takot ko na mapagalitan - na ginawa ko sa aking isip - at kathang isip lamang -  hiwalay sa kung ano ang totoo - bilang laman- bilang dugo - bilang katawang pisikal. Tutulungan ko ang aking sarili magsabi ng tutuo at hindi matakot -Ibabalik ko ang aking sarili sa kung ano ang andito - ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko 'andito ako'. 

Sunday, 19 August 2012

Pagpipigil Ng Galit: Pagpapatawad sa Sarili Day 34 Suppression of Anger



===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?
===
Pagpipigil ng GALIT
Suppression of Anger
===
Pagpapatawad Sa Sarili

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na pigilin ang galit ko dahil natatakot ako na magagalit ang kausap ko kapag nagsabi ako ng totoo

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na pinipigilan ko ang aking sarili na magalit dahil natatakot ako na magagalit ang kausap ko - hihinto ako - at hihinga. Narealize ko na ang pagpigil ko ng galit ay isang pagkukunwari na ginagawa ko sa aking isip - tutulungan ko ang aking sarili na hindi matakot sa reaksyon ng aking kausap kung hindi tutulungan ko ang aking sarili na magsabi ng totoo. Ibabalik ko ang aking sarili sa pisikal . Ipapadyak ko ang aking paa at sasabihin ko 'Adito ako'.