Total Pageviews

Showing posts with label sino ako. Show all posts
Showing posts with label sino ako. Show all posts

Wednesday, 25 July 2012

2012: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tanong Na 'Sino Ako?' Day 22




         English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
                                                                     WHO AM I?

===


Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'
===
Sa blog na ito, bibigyan ko ng bagong kahulugan ang tanong na 'Sino Ako?'
===
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'

Ang Sino Ako ay isang pagtatanong sa sarili - kung saan ito ay pumupunta sa isip para alamin ang kasagutan sa tanong na ito - kung saan ang impormasyon na nakuha ng sarili ay binibigyan ng 'mas maraming halaga' kaysa sa sarili at ang sarili ay binibigyan ng 'mas maliit na halaga'.

Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso ng pagtutuwid sa sarili upang maging tunay na karakter - bilang pisikal - bilang hininga. na ang 'sino ako?' ay isang tanong sa sarili- ng sarili -  kung paano nilikha nito ang sarili sa loob ng isip - sa isang kahaliling katotohanan - bilang ang mga iniisip nito na mga  kaanasan  o ala- alala tungkol sa iang lugar o tao -  bilang positibo o negatibong karanasan na kapag inipon ay bubuo ng isang sistema kung saan  pwedeng bigyan ng buhay ang isang karakter  - nakikita nito kung paano niya ginawa ang karakter- bilang kahalili ng sarili - sa isip - at sa pamamagitan ng pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid sa bawa't sandali sa bawa't hininga - gagawa ito ng tunay na karakter - na kung sino ito talaga - bilang laman, katawan na pisikal.

Iniimbestigahan din nito kung paano sinuportahan ng sarili ang paggawa ng isang mundo na may mga karakter - na katulad o bilang sarili - isang karakter na binigyan nito ng buhay sa kaniyang isip na naghahangad ng kaligayahan sa mga positibong karanasan sa pagkakaruon ng maraming pera na nagbigay buhay sa sistema ng pera na meron tayo ngayon - base sa hindi pagkapantay - pantay ng taodito sa mundo.


Binibigyan din nito ng bagong kahulugan ang mga salita na ginagamit nito bilang ekspresyon ng kanyang sarili - na kapantay ng mga salita at titik - pati na simbolo na ginagamit nito sa pakikipag usap sa iba.

Tinutulungan din nito ang sarili sa pamamamagitan ng pagsulat at pagpapatawad sa sarili - pati na pagtutuwid dito - para itigil ang mga karakter na binigyan nito ng buhay sa isip


Binibigyan buhay nito ang tunay na sarili - ang karakter na pisikal - bilang katawan - na tumatayo sa kung anong makabubuti sa lahat.


Nakikita din nito na ang labas ay sinasalamin ng loob at ang loob ay sinasalamin ng labas - kung kaya't tumutulong ito na maitaguyod ang bagong sistema batay sa pagkapantay - pantay ng lahat- kung saan binibigyan ang lahat ng halaga na katumbas ng buhay.



Sunday, 8 July 2012

2012: Karakter: 'Sino Ako?' na Karakter: SF Part 5 Day 5


Related Blogs:
===
===
===
 Ang Aking website
     Ang Aking English Blogs:
      Ang Aking Storya sa English:

Pag-alis Sa Kinaugaliang Karakter: 'Negatibong (-) Karanasan' Ng 'Sino Ako' Na Karakter

Pagpapatawad sa Sarili at Paggawa ng Lahat Para Ituwid and Sarili Upang Tumayo Sa Kung Ano Ang Makabubuti sa Lahat:


Pagpapatawad Sa Sarili:


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko sa aking sarili na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'Sino ako?' na Karakter - upang hanapin ang 'mas mahigit sa kung sino ako' - sa loob ng pagkakaruon ng akumulasyon ng mga 'positibong karanasan ' - hindi ko nakikita ang katotohanan na ako ay andito bilang hininga sa bawat sandali - bilang ang pisikal na katawan - na hindi nagdedepende sa 'positibo o negatibong karanasn' na ginawa natin sa ating isip - kung hindi isang manipestasyon dito sa lupa na andito kapantay ng lahat ng nilalang, hayop, halaman atbp - andito magpakailanman.

 
Napagtanto ko na kapag ako ay naghahanap ng 'mas mahigit sa kung sino ako'  sa pamamagitan ng pagtatanong ng tanong na 'sino ako?' -  ako ay nag-aalinlangan  kung sino ako - binabalewala ko na andito ako bilang hininga - bilang ang pisikal/katawan - patas sa lahat  - hindi ko tiyak na ako nga ay ang sino ako talaga - ang pisikal/katawan - takot na mawala ang akumulasyon ng mga 'positibong karanasan' - tinutukoy ang aking sarili sa loob ng 'positibo o negatibong karanasan'  - kalungkutan at kaligayahan,, buhay o kamatayan atbp - nakatira sa loob ng aking isip - bilang ang mga character na nabubuhay- na lumilikha ng isang memorya - kung saan sinisisi ko ang pisikal - dahil naniniwala ako na kailangan kong mabuhay dito sa mundo bilang isang karakter na may mga positibo o negatibong karanasan - pinaniniwalaan na kailangan kong maghanap ng kasagutan sa aking tanong - at naniniwalang ito ang lohikal at makatwirang gawain  - hindi ko nakita na ako ay andito bilang hininga sa bawat sandali - bilang buhay dito sa lupa na kapantay nglahat ng nilalang dito-biang ang pisikal / katawan .


Paglalahad Ng Pagtutuwid Ko Sa Aking Sarili:


Kapag nakikita ko na ako ay nagsasalita, nagsusulat at kumikilos bilang ang 'sino ako?' na karakter - hihinto ako - hihinga - at babaguhin ko ang aking panimulang punto mula sa isang tao na nagtatanong kung sino ako at humahanap ng sagot sa tanong na ito - sa isang tao na tumatayo sa kung ano ang makabubuti sa lahat - na tumatayo na kapantay ng bawa't lahat - ng mga halaman, hayop atbp.



Gagawin Ko Ang Lahat Para Ituwid Ko ang aking Sarili:

Gagawin ko ang lahat para tanggalin ang memorya na ito- bilang mga larawan - bilang pagnanais upang maghanap ng 'mas mahigit sa kung sino ako'na karakter - sa loob ng aking sarili - at  ititigil ko ang paghiwalay ko sa kung sino ako talaga - sa pamamagitan sa pagpunta sa aking isip  - sa loob ng aking sarili - at tumayo na kapantay - bilang ang pisikal na katawan na andito sa lupa magpakailanman.

 
Pagsusulat bilang Tulungan ang aking Sarili:Gagawin ko ang lahat para tulungan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusulat o 'blogging at vlogging- para itigil ang pagiging ang karakter na ito.


Pagkapantay-pantay ng lahat ng nilalang:Gagawinn ko ang lahat upang makatulong sa pagtaguyod ng isang mundo na  batay sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng nilalang .

Saturday, 7 July 2012

2012: Ako Bilang Isang Karakter Na Kapantay Ng Lahat Ng Nilalang sa Lupa: Ang Pagbibigay ng Bagong Kahulugan Sa Mga Salita Part 4 Day 4

 Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
 Ang Aking Storya sa English:
 ===
Related Blogs:
Anong Kahulugan Ng 'Aalis Ako Sa Aking Nakaugaliang Karakter'?
Ang mga salita ay binibigyan ng kahulugang hindi angkop sa kung sino ako talaga - isang karakter na ang halaga ay may limitasyon - at ito ay dinidikta ng positibo o negatibong karanasan ko na binigyan ko ng halagang - mas mahigit sa kung sino ako talaga ('positibo') o  mas mababa sa kung sino ako talaga ('negatibo').

Ako ay isang tao na - nagbibigay ng kahulugan sa mga salita -kung saan ang kahulugan na binibigay ko sa mga salitang binigkas ko ay kapantay ng kahulugang ibinibigay ko sa aking sarili.


Tingnan Natin Ang Salitang
KAHULUGAN
(translation: sense, definition, meaning)

Kung Babaliktarin Natin Ito :
NAGULUHA-n    a-K-o
(translation: 'I' got confused)

Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita ay ginagawa para ipaliwanag ang ibig sabihin ng isang salita .

Dito sa 'blog' na ito gusto kong bigyan ng pansin ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salita. Ang pangkaraniwang kahullugan ng salita ay nanggagaling sa isang karakter na kabilang sa grupo ng iba pang karakter na sumangayon na yun nga ang kahulugan ng isang salita.

Ano ang batayan ng pagsangayon natin sa kahulugan ng mga salita?

Ang mga karanasan natin na katulad ng karanasan ng iba pang tao sa ating kapaligiran ang nagiging batayan natin nito. Kapag marami ang sumasangayon sa kahulugan ng salita - at kapag naggaling ito sa isang  diksyonaryo na nirerespeto ng karamihan - tinatanggap natin ito.

Hindi natin tinitingnan kung sino tayo sa loob ng kahulugan na ibinibigay natin sa mga salita.

Ano ang ibig kong sabihin ng sinabi kong  'kung sino tayo sa loob ng kahulugang ibinibigay natin sa mga salita'?

Pangkaraniwan na tinatanggap natin na 'ako' ay ang mga karanasan ko - 'positibo o negatibo'. Hindi natin tinitingnan kung bakit natin binigyan ng 'positibo o negatibong' kahulugan ang ating mga karanasan.

Tingnan natin kung sino 'ako' talaga:

1.*Ako  - na nagbibigay ng positibo o negatibong kahulugan sa mga salita sa aking isip - na humiwalay sa pisikal - na katawan na humihinga -  na andito sa bawa't sandali - na kathang isip lamang - na anidto kaisa ng katawan - na sumusuporta sa sistema na base sa hindi pagkapantay - pantay ng mga nilalang dito sa lupa at

2. *Ako - na tao na kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - kapantay ng mga halaman, hayop atb.- na iisa at kapantay - ng katawang pisikal, ng hininga na andito sa bawa't sandali, ng lahat ng andito sa lupa - galing sa lupa - na andito magpakailanman - tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat - dahil napagtanto ang katotohanan na pantay- pantay ang lahat ng nilalang.

Kung sino ako ay hindi maipapaliwanag ng positibo o negatibo kong karanasan - dahil ang mga karanasang ito ay binigyan ko ng positibo o negatibong 'charge' sa aking isip lamang at walang pisikal na batayan - kung saan lagi kong hinahanap ang mas mahalagang kahulugan ng kung sino ako - sa pagkakaruon ng akumulasyon ng mga 'positibong' karanasan - dahil natatakot ako na mawala ang aking karakter na ginawa ko lamang sa aking isip. Iwinalang bahala ko kung sino ako talaga.

Ginawa ko ito dahil 'NAGULUHA-n  a-K-o' - ng humiwalay ako sa pisikal na karakter na kung sino ako - ang katawan na andito sa lupa at mananatiling andito magpakailanman - nagbabago ng anyo - pero hindi nagbabago ng  HALAGA -  kapantay ng lahat ng nilalang, hayop, halaman atbp.- humihinga sa bawa't sandali - may katawan na galing sa lupa.

Gagamitin ko ang mga salitang ito at ibibigay ko sa aking sarili kung sino ako talaga - ang katotohanan ng kung sino ako talaga - kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - at tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat :

Pinapatawad ko ang saking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na ____.
Gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali.

Halimbawa:

Para sa Galit:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na magalit ako
- kung saan pumupunta ako sa aking isip at humihiwalay ako sa kung sino ako talaga - ang pisikal - ang katawan - ang hininga - na andito sa bawa't sandali - na andito magpakailanman.
-gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali - para sa  makabubuti sa akin at makakabuti para sa lahat.