Total Pageviews

Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Friday, 27 July 2012

2012 Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas' Day 23


 
 
Mga English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:  
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Salitang Bukas
 
Ayon Sa Diksyonaryo, ang kahulugan ng salitang 'bukas' ay:
sa hinaharap na pagkakataon
 
Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Bukas'
 
Sa hinaharap na pakakataon, na kung saan tinutukoy ang panahon bilang hiwalay sa ngayon - hindi nakita ng sarili na ang bukas ay resulta ng ngayon - at ginagamit ito ng isang taong binibigyang buhay ang sarili bilang kahapon, ngayon at bukas -kung saan kailangang pumunta sa isip para magkaruon ng puwang ang pkahiwahiwalay ng sarili bilang kahapon, ngayon at bukas para magkaruon ng puwang ang pagkakaruon ng mga karanasan at ala-ala bilang memorya ng mga positibo at negatibong karanasan na nagbibigay buhay sa sarili bilang kahaliling katotohanan sa loob ng isip na ilusyon lamang - at itong ilusyon na ito ay binibigyang buhay natin sa ating paggalaw, pagsasalita at pagsulat sa araw-araw - bilang nilalang na nabubuhay sa loob ng isang ekonomiya na base sa hindi pagkakapantay-pantay ng lahat.

Nakikita sa pamamagitan ng proseso ng  pagtutuwid sa sarili ang katotohanan na lahat tayo ay pantay-pantay dahil nanggaling tayong lahat sa sustansya ng pisikal 
 
Binibigyan ng bagong kahulugan ang salitang 'bukas' - bilang ang hinaharap na pagkakataon na andito sa bawa't sandali - sa bawa't hininga - kung saan ako ay andito bilang pisikal na nilalang bilang katawan na nagsasalita, nagsusulat at gumagawa ng mga bagay-bagay na kailangang gawin sa araw - araw at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat
 
Nakikita na ang loob ay nasasalamin sa labas at ang labas ay nasasalamin sa loob - tumutulong ito sa pagtatagyuod ng bagong sistema ng ekonomiya na base sa pagkakapantay- pantay ng lahat - kung saan bubuhayin natin ang langit sa/bilang lupa.

 
 

Wednesday, 25 July 2012

2012: Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Tanong Na 'Sino Ako?' Day 22




         English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
                                                                     WHO AM I?

===


Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'
===
Sa blog na ito, bibigyan ko ng bagong kahulugan ang tanong na 'Sino Ako?'
===
Pagbibigay Ng Panibagong Kahulugan Sa Tanong Na  'SINO AKO?'

Ang Sino Ako ay isang pagtatanong sa sarili - kung saan ito ay pumupunta sa isip para alamin ang kasagutan sa tanong na ito - kung saan ang impormasyon na nakuha ng sarili ay binibigyan ng 'mas maraming halaga' kaysa sa sarili at ang sarili ay binibigyan ng 'mas maliit na halaga'.

Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso ng pagtutuwid sa sarili upang maging tunay na karakter - bilang pisikal - bilang hininga. na ang 'sino ako?' ay isang tanong sa sarili- ng sarili -  kung paano nilikha nito ang sarili sa loob ng isip - sa isang kahaliling katotohanan - bilang ang mga iniisip nito na mga  kaanasan  o ala- alala tungkol sa iang lugar o tao -  bilang positibo o negatibong karanasan na kapag inipon ay bubuo ng isang sistema kung saan  pwedeng bigyan ng buhay ang isang karakter  - nakikita nito kung paano niya ginawa ang karakter- bilang kahalili ng sarili - sa isip - at sa pamamagitan ng pagpapatawad sa sarili at pag tutuwid sa bawa't sandali sa bawa't hininga - gagawa ito ng tunay na karakter - na kung sino ito talaga - bilang laman, katawan na pisikal.

Iniimbestigahan din nito kung paano sinuportahan ng sarili ang paggawa ng isang mundo na may mga karakter - na katulad o bilang sarili - isang karakter na binigyan nito ng buhay sa kaniyang isip na naghahangad ng kaligayahan sa mga positibong karanasan sa pagkakaruon ng maraming pera na nagbigay buhay sa sistema ng pera na meron tayo ngayon - base sa hindi pagkapantay - pantay ng taodito sa mundo.


Binibigyan din nito ng bagong kahulugan ang mga salita na ginagamit nito bilang ekspresyon ng kanyang sarili - na kapantay ng mga salita at titik - pati na simbolo na ginagamit nito sa pakikipag usap sa iba.

Tinutulungan din nito ang sarili sa pamamamagitan ng pagsulat at pagpapatawad sa sarili - pati na pagtutuwid dito - para itigil ang mga karakter na binigyan nito ng buhay sa isip


Binibigyan buhay nito ang tunay na sarili - ang karakter na pisikal - bilang katawan - na tumatayo sa kung anong makabubuti sa lahat.


Nakikita din nito na ang labas ay sinasalamin ng loob at ang loob ay sinasalamin ng labas - kung kaya't tumutulong ito na maitaguyod ang bagong sistema batay sa pagkapantay - pantay ng lahat- kung saan binibigyan ang lahat ng halaga na katumbas ng buhay.



Monday, 16 July 2012

2012:'Sino Ako?' Ako Ay Ang 'Gagawin Ko Ito Bukas' Na Karakter Na Binigyan Ko Ng Buhay Day 13



  English Blogs Na May Relasyon Dito
===


Ang Pagtigil Ko Bilang 'Gagawin Ko Ito Bukas' na Karakter
Ang 'Gagawin ko ito bukas' na  karakter na binigyan ko ng buhay ay ang karakter na ititigil ko sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng blog at patatawarin ko ang aking sariliAt ilalahad ko kung ano ang gagawin ko kapag nakikita ko na ito ay binibigyan ko ng buhay sa pangaraw- araw na paggalaw. - bilang  isang kahaliling bersyon ng kung sino ako talaga - na nilikha ko sa aking isip-- bilang binigyang buhay na ilusyon.  Bibigyan ko ng buhay ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - bilang ang laman  sa aking katawan - bilang ang hininga - na andito sa bawat sandali - bilang isang expression ng aking sarili at ng lahat ng buhay.

Ang Pagpapatawad ko sa Ahing Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'gagawin ko ito bukas' na karakter - bilang karanasan - bilang isang alalalang pinagagalaw ko sa aking imahinasyon- na ginawa ko sa aking isip - na isang kathang isip na lugar na pinupuntahan ko para magkaruon ako ng mga positibong karanasan = galing sa pagkakaruon ko ng negatibong karanasandito sa lupa - kapag ako ay maraming ginagawa at para ko makontrol ang sitwasyon, naghahanap ako ng kalayaan sa mga ito sa aking isip - kung saan ang pakiramdam ko ay nabigyan ko ng lunas ang problemang ito - hindi ko naisip na ito ay guni guni ko lamang - at imbes na tingnan ko ang mga bagay - bagay na andito sa lupa katulad ng aking pisikal na katawan - masaya ako sa aking isip dahil meron akong positibong karanasan dito - hindi ko napagtanto na ang enerhiyang ginagamit para maging masaya ako sa aking isip ak kinukuha sa aking pisikal na katawan - na nauupos na nagiging sanhi ng pagkamatay at pagtanda. 



Pagtutuwid Sa Aking Sarili
Kapag nakikita ko na marami akong gagawin , at binibigyan ko ng buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - hihinto ako - babagalan ko ang pagagalaw at hihinga ako. Babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na pumunta ako sa aking isip para talikuran ang mga gagawin ko - Iisusulat ko ang lahat ng gagawin ko sa buong araw at gagawin ko ang dapat kong gawin para tapusin ito - at kapag nakikita ko na mabigat ang aking pakiramdam  at nagigingparang inaantok ako - hihilamusan ko ang aking mukha ng tubig para magising ako at tutuyuin ko ito - at tatapusin ko ang mga dapat kong gawin.


Ang Mga Paguusap Na Nagaganap Sa Loob Ng Aking Isip
 'Maaari mong gawin ngayong gabi yan - dahil mayroon kang karagdagang panahon mamaya diba? oo nga ano, sige, mamaya ko na gagawin ito.'

Pagpapatawad Ko Sa Aking Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang mga paguusap na nagaganap sa loob ng aking isip para ipagpabukas ko ang mga gagawin ko ngayon.


Kapag nakikita kong ginagamit ko ang paguusap na nagaganap sa loob ng aking isip para ipagpabukas ko ang mga gagawin ko ngayon - hihinto ako at hihinga. Babaguhon ko ang aking panimulang punto - na imbes na pumunta ako sa aking isip - titingnan ko ang kung sino ako talaga - bilang tunay na nilalang na andito sa lupa - na merong katawang pisikal - at gagawin ko ang dapat kong gawin sa araw - araw.


Tutulungan ko ang aking saili at gagawin ko ang lahat para ako makapagsulat, makapagpatawad sa aking sarili at mai aply ko sa pang araw- araw na buhay ko ang pagtutuwid ng aking sarili - at ihihinto ko ang pagpapabukas ng dapat kong gawin ngayon.
===
Ang ginagawa Ko Kapag ako Ay Tinatamad:
Pinipigil ko ang aking paghinga,tumatayo ako at humahanap ako ng iba pang dapat kong gawin - at lumakad patungo sa kusina
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang paggalaw ng katawan para bigyan ng buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - kung saan pinipigil ko ang aking paghinga - tumatayo ako at lumalakad ako patungo sa kusina.


Gagawin ko ang lahat para itigil ko ang paggamit sa paggalaw ng katawan para bigyang buhay ang 'gagawin ko ito bukas' na karakter - at kapag nakikita ko na binibigyan o bibigyan ko ito ng buhay - titigil ako at hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto - at imbes na pigilin ko ang akinghininga at tumayo at pumunta sa kusina - uupo ako ulit at ipagpapatuloy ko ang aking ginagawa hanggang matapos ito.

===
Self-pangako
Gagawin ko ang lahat para itigil ko ang pagbibigay buhay sa 'gagawin ko ito bukas' na karakter at ititigil ko ang mga larawan at paghahangad na ginagawa ko sa aking isip - sa loob ng aking sarili  at = ititigil ko ang pagpunta sa aking isip - sa loob ng aking sarili - at lagi kong titingnan na ako ang aking katawang pisikal na andito sa lupa na humihinga sa bawat sandali


Gagawin ko ang lahat para tulungan ko ang aking sarili sa pamamagitab ng pagsusulat, pagpapatawad sa sarili at pagtutuwid sa aking sarili araw-araw - para ihinto ko ang bagbibigay ng buhay sa 'gagawin ko ito bukas' na karakter - dahil alam ko na hindi ito makakabuti para sa aking sarili at hindi din ito makakabuti para sa lahat


Gagawin ko ang lahat para ilantad ang aking sarili at iba pa kapag nakikita ko ang 'manyaana habit' - kung saan ipinagpapabukas natin ang pagtulong sa ating sarili sa pamamagitan ng pagpeperpekto dito at imbes, inuuna natin ang mga bagay na hindi makakabuti para sa lahat

Saturday, 14 July 2012

2012: 'Sino Ako?' Ako Ang 'Mas Magaling Ako Sa Iyo' Na Karakter Na Aking Binigyang Buhay Ko Day 12





Related Blogs:
Main Blog Ko Sa English:
http://junejourneytolife.blogspot.com

May Relasyon na Blogs
===
Ang Aking Website:
===

Ang 'Mas Magaling Ako Sa Iyo' Na Karakter

Pagpapatawad Sa Sarili


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ko ang aking sarili sa loob ng 'mas magaling ako sa iyo' na karakter - kung saan hinuhusgahan ko ang iba na mas marami silang nalalaman kaysa sa akin - kung saan naniniwala ako na mas mataas ang halaga nila kaysa sa akin at ako ay mas maliit ang halaga at pagkatapos sa iba namang pagkakataon ay huhusgahan ko ang aking sarili na mas marami akong nalalaman kaysa kanila at sila ay mas konti ang nalalaman kaysa sa akin - kung saan naniniwala ako na mas marami ang halaga ko at sila ay mas konti ang halaga. Tinutukoy ko dito ang aking sarili sa loob ng salitang may halaga at walang halaga.

Realisasyon

Napagtanto ko na ito ay aking pagtukoy sa aking sarili sa loob ng impormasyon at kaalamang hiwalay sa aking sarili  - hiwalay sa katotohanan na ako ay ang pisikal na katawan na nagmula sa lupa - at pumupunta sa isip para paligayahin ang sarili sa pagkakaruon ng positibong karanasan
                                                                     
Gagawin Ko Ang Lahat Para Ituwid Ang Aking Sarili at Alisin Ang Karakter na Ito

Gagawin ko ang lahat para alisin ang 'mas magaling sa iyo' na karakter - bilang alaala o memorya - bilang paghahangad ng positibong karanasan para lumigaya ako, bilang paniniwala na gawa gawa ko sa aking isip, bilang paghatol atb - sa loob ng aking sarili - at alisin ko ang paghiwalay o pagtakwil ko sa aking sarili - sa loob ng aking sarili - at tumayo sa katawang pisikal sa bawa't hininga - kung saan babaguhin ko ang aking panimulang punto - unti-unti akong babagal ng kilos kung saan iisa ako sa aking hininga at itutuwid ko ang aking postura para makahinga ng maluwag ang aking katawan at sasabihin ko sa aking sarili 'andito ako' at sasabihin ko ito ng paulit - ulit kung saan ako ay sigurado na andito nga ako.


Tuesday, 10 July 2012

2012: 'Ako': Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Ako' Part 7 Day 7


Filipino Equal Money System FAQ 
===
Pagbibigay Ng Bagong Kahulugan Sa Salitang 'Ako'

Ayon Sa Diksyunaryo, ang 'Ako' ay
isang lsalita na ginagamit na pnghalip, at ginagamit ng isang nagsasalita o nagsusulat sa pagsangguni sa kanyang sarili.

Pagbibigay ng bagong kahulugan sa Salitang 'Ako'
Ang salitang 'ako' ay ginagamit ng isang tagapagsalita o isang manunulat upang sumangguni sa sarili - hiwalay sa lahat ng nilalang sa lupa - hiwalay sa mga halaman, sa mga tao, sa mga hayop at iba pang nilikha dito sa lupa.

Ito ay isang limitadong kahulugan kung saan ang isang tao ay nabubuhay bilang isang karakter -nabubuhay sa isang mundo na batay sa hindi pagkakapareho ng bawa't nilalang - palaging naghahanap ng 'mas mahigit sa sa kung sino ito' sa loob ng naipong mga positibong karanasan - bilang isang taong may positibo o negatibong karanasan - bilang alaala o 'memory' - at interesado lamang sa sariling kapakanan -na nabubuhay sa mundo sa loob ng isang sistema na batay sa hindi pagkapantay - pantay ng mga nilalang - tao, hayop, halaman atbp.

Napagtanto nito sa pamamagitan ng proseso ng pakperpekta sa sarili, na anglahat ng nilalang sa lupa ay pantay-pantay- pinapatawad ang sarili sa pagiging makasarili at paghiwalay sa lahat ng nilalang dito sa lupa -at ginagawa ang lahat upang iwasto ang sarili - at tumatayo para sa kung ano ang pinakamabuti para sa lahat.
 

* Ang salitang ako' ay ginagamit ng isang nagsasalita o isang manunulat sa pagsangguni sa sarili - bilang kapantay ng lahat ng nilalang - kung saan pinapatawad nito ang sarili sa paghiwalay sa lahat ng nilalang at pagkakaruon ng interesupang maitagyod ang sarili lang na kapakanan - itinutuwid ang sarili sa bawat sandali ng hininga - tumatayo para sa kapakanan ng lahat at kung anong makabubuti para sa lahat.

Tinutulungan ang sarili sa pamamagitan ng 'blogging (pagsusulat) at vlogging' upang ihinto ang sarili  sa paghahanap ng na 'mas mahigit pa kung sino siya''at binibigyang buhay ang sarili bilang isang nilalang na tumatayo sa kung ano ang makabubuti sa lahat ng nilalang sa lupa.


Tumutulong ito sa paglikha ng isang mundo na batay sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng nilalang - bilang mga halaman, hayop, tao atbp -hanggang lahat tayo ay nabubuhay sa mundo na tunay na rumerespeto sa buhay.
===

Patnubay Sa Pagbibigay ng Kahulugan Sa Mga Salita (English)
 http://juneroca.com/words/redefining-words/

Saturday, 7 July 2012

2012: Ako Bilang Isang Karakter Na Kapantay Ng Lahat Ng Nilalang sa Lupa: Ang Pagbibigay ng Bagong Kahulugan Sa Mga Salita Part 4 Day 4

 Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
 Ang Aking Storya sa English:
 ===
Related Blogs:
Anong Kahulugan Ng 'Aalis Ako Sa Aking Nakaugaliang Karakter'?
Ang mga salita ay binibigyan ng kahulugang hindi angkop sa kung sino ako talaga - isang karakter na ang halaga ay may limitasyon - at ito ay dinidikta ng positibo o negatibong karanasan ko na binigyan ko ng halagang - mas mahigit sa kung sino ako talaga ('positibo') o  mas mababa sa kung sino ako talaga ('negatibo').

Ako ay isang tao na - nagbibigay ng kahulugan sa mga salita -kung saan ang kahulugan na binibigay ko sa mga salitang binigkas ko ay kapantay ng kahulugang ibinibigay ko sa aking sarili.


Tingnan Natin Ang Salitang
KAHULUGAN
(translation: sense, definition, meaning)

Kung Babaliktarin Natin Ito :
NAGULUHA-n    a-K-o
(translation: 'I' got confused)

Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita ay ginagawa para ipaliwanag ang ibig sabihin ng isang salita .

Dito sa 'blog' na ito gusto kong bigyan ng pansin ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salita. Ang pangkaraniwang kahullugan ng salita ay nanggagaling sa isang karakter na kabilang sa grupo ng iba pang karakter na sumangayon na yun nga ang kahulugan ng isang salita.

Ano ang batayan ng pagsangayon natin sa kahulugan ng mga salita?

Ang mga karanasan natin na katulad ng karanasan ng iba pang tao sa ating kapaligiran ang nagiging batayan natin nito. Kapag marami ang sumasangayon sa kahulugan ng salita - at kapag naggaling ito sa isang  diksyonaryo na nirerespeto ng karamihan - tinatanggap natin ito.

Hindi natin tinitingnan kung sino tayo sa loob ng kahulugan na ibinibigay natin sa mga salita.

Ano ang ibig kong sabihin ng sinabi kong  'kung sino tayo sa loob ng kahulugang ibinibigay natin sa mga salita'?

Pangkaraniwan na tinatanggap natin na 'ako' ay ang mga karanasan ko - 'positibo o negatibo'. Hindi natin tinitingnan kung bakit natin binigyan ng 'positibo o negatibong' kahulugan ang ating mga karanasan.

Tingnan natin kung sino 'ako' talaga:

1.*Ako  - na nagbibigay ng positibo o negatibong kahulugan sa mga salita sa aking isip - na humiwalay sa pisikal - na katawan na humihinga -  na andito sa bawa't sandali - na kathang isip lamang - na anidto kaisa ng katawan - na sumusuporta sa sistema na base sa hindi pagkapantay - pantay ng mga nilalang dito sa lupa at

2. *Ako - na tao na kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - kapantay ng mga halaman, hayop atb.- na iisa at kapantay - ng katawang pisikal, ng hininga na andito sa bawa't sandali, ng lahat ng andito sa lupa - galing sa lupa - na andito magpakailanman - tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat - dahil napagtanto ang katotohanan na pantay- pantay ang lahat ng nilalang.

Kung sino ako ay hindi maipapaliwanag ng positibo o negatibo kong karanasan - dahil ang mga karanasang ito ay binigyan ko ng positibo o negatibong 'charge' sa aking isip lamang at walang pisikal na batayan - kung saan lagi kong hinahanap ang mas mahalagang kahulugan ng kung sino ako - sa pagkakaruon ng akumulasyon ng mga 'positibong' karanasan - dahil natatakot ako na mawala ang aking karakter na ginawa ko lamang sa aking isip. Iwinalang bahala ko kung sino ako talaga.

Ginawa ko ito dahil 'NAGULUHA-n  a-K-o' - ng humiwalay ako sa pisikal na karakter na kung sino ako - ang katawan na andito sa lupa at mananatiling andito magpakailanman - nagbabago ng anyo - pero hindi nagbabago ng  HALAGA -  kapantay ng lahat ng nilalang, hayop, halaman atbp.- humihinga sa bawa't sandali - may katawan na galing sa lupa.

Gagamitin ko ang mga salitang ito at ibibigay ko sa aking sarili kung sino ako talaga - ang katotohanan ng kung sino ako talaga - kapantay ng bawa't nilalang dito sa lupa - at tumatayo sa kung ano ang makabubuti para sa lahat :

Pinapatawad ko ang saking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na ____.
Gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali.

Halimbawa:

Para sa Galit:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap ko at pagpayag ko na magalit ako
- kung saan pumupunta ako sa aking isip at humihiwalay ako sa kung sino ako talaga - ang pisikal - ang katawan - ang hininga - na andito sa bawa't sandali - na andito magpakailanman.
-gagawin ko ang lahat para ikorekta ko ang aking sarili sa bawa't sandali - para sa  makabubuti sa akin at makakabuti para sa lahat.

Thursday, 5 July 2012

Ano Ang Ibig sabihin Ng 'Aalis Ako Sa Aking Kinaugaliang Karakter' ? Part Day 2




 Ang Aking website
Ang Aking English Blogs:
 Ang Aking Storya sa English:
===
Related Blogs:
Bagong Kahulugan ng Karakter

Ano ang Ibig Sabihin ng

Aalis Ako Sa Aking Kinaugaliang karakter?
(What Does it mean To Step Out of My Character'?)

Aalis ako sa aking karakter na sunod sunuran sa mga positibo o negatibong karanasan ko - na umiinog sa pagtaas at pagbaba ng emosyon ko base sa mga karanasan ko - na galing sa mga salitang binigyan ko ng positibo o negatibong kahulugan - kung saan hindi ko nakita kung ano ito - kung saan ako ay wala dito - ang karakter na 'meron sigurong hihigit pa sa kung sino ako' - ang nandito


Ang galak ko kapag ako ay binibigyan ng kalinga o atensyon - and kalungkutang nararamdaman ko kapag may naputol na relasyon,kapag may namatay sa pamilya atbp. ay nagmula sa takot na mawala ang mga naipong positibong karanasan ko, kung saan iniisip ko na 'meron pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' - na binibigyan buhay ng karakter na ating binibigyang buhay - kung saan ang gumawa sa karakter ay tayo, ang nagbibigay buhay ay tayo, ang nanunuod sa sine na ginawa natin ay tayo - isang ilusyon na ginawa natin sa ating isip na binigyan natin ng buhay para maging real o tunay - isang ilusyon na araw-araw nating binubuhay bilang tayo.

Stress


Ang tunay ay kung ano ang andito. ang pisikal ay tunay. Ang katawan ng tao ay tunay.


Ang lupa ay tunay. Ang kapaligiran ay tunay.



Hindi ba nakakatawa na  gumagawa tayo ng maliit na mundo natin kung saan  kakumpetisyon natin ang bawa't isa  - dahil lahat tayo ay pinapatakbo ng positibo o negatibong karanasan natin -  na binigyan natin ng buhay sa isip natin  tapos -  binigyan natin ng buhay sa pang araw-araw nating galaw. Itinatago natin ito bilang isang memorya o 'memory'. Hindi natin nakita na ginawa lang natin ito sa ating isip- isang ilusyon lamang ito. Limitado ito - dahil ang positibo ay kinukumpleto ng negatibo - at hindi pwedeng magkaruon ng isa kung wala ang isa. Walang saya kung walang lungkot. Walang lungkot kung walang saya. Ito ay hindi tunay na kaligayahan.

Meron namang humanap ng kaligayahan sa isang daigdig na kathang - isip lamang at walang base sa kung ano ang real o tunay - na ginagawa natin para matakpan ang takot bilang 'takot akong mawalanng saysay ang aking buhay, kailangan kong pera para ako makatulong sa iba - at maligaya na ako' na isang karakter na binuhay natin sa pamamagitan ng takot - takot tayong hindi mabuhay ang karakter na binibigyan natin ng buhay.

 Sinusuportahan ng karakter na binibigyan natin ng buhay ang mga karakter sa lipunan na ganito rin ang karakter- sunod sunuran din sa mga positibo at negatibong karanasan - na iisa ang hangad - upang manalo, sa loob ng isang ilusyon na tayo ay nakikipagkumpetensya sa lahat ng iba pang mga character. Dahil dito lumikha tayo ng mundo na pinapatakbo ng kumpitisyon - kung saan ang nakabubuti sa isa ay biniibgyang halaga at kung ano ang makakabuti sa lahat ay binabal;ewala - dahil sa excuse na kailangan tayong mabuhay. Ang nagpapatakbo sa ating buhay ay ang takot natin na hindi mabubuhay ang karakter na binibigyan natin ng buhay - hindi natin isina alang alang na itong karakter na ito ay binibigyan lang natin ng buhay sa pamamagitan ng paggalaw at pagsasalita na base sa positibo o negatibo nating karanasan na binibigyan natin ng positibo o ngatibong kahulugan sa ating isip lamang - na wala namang tunay o real na katauhan kung hindi ilusyon lamang.

Ang pisikal ay andito sa mundo -ang ating katawan ay 'real' o tunay. Ang ating kapaligiran ay 'real' o tunay. Ang aksyon na hindi pinapatakbo ng ating positibo o negatibong 'saya at lungkot atbp' at idinereta natin ay ang tunay na karakter na bibigyan ko ng buhay. Gagamitin ko kung ano ang andito sa pisikal na galing sa lupa - ang ating katawan at kapaligiran - para sa makabubuti sa lahat - tao, halaman, hayop atbp. Ito ang aking bibigyan ng buhay - dahil ito ang tunay na ako. Ititigil ko ang pagpunta sa aking isip at paggawa ko ng ilusyon . Ito ang ibig sabihin ng 'aalis ako sa aking kinaugaliang karakter' at bibigyang buhay ko ang karakter na tumatayo sa kung ano ang makakabuti sa lahat.

 Ako at ang lahat ay iisa. Tayo ay pantay-pantay.


Ang pagbabago ay magsisimula sa pagpapatawad  ko sa aking sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na _____:

Halimbawa:
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging ' meron pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' na karakter - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
*** Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magalit kapag may gumagawa ng isang bagay na di ko gusto -kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako' - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging malungkot kapag may namatay -kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako'- na isang ilusyon at walang pisikal na batayan
***Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maging masaya kapag may nagbigay sa akin ng kumplemento - kung saan hindi ko nakikita na binibigyan ko ng buhay ang karakter ko na 'meron pang hihigit sa kung sino ako' - na isang ilusyon at walang pisikal na batayan

At iwawasto ko ang aking sarili sa bawat sandali ng paghinga - mula sa isang 'panimulang punto' o starting point based from 'separation to what is here' ( in the mind ) as the physical to who i am as all life- as what is here as the physical)

*** kung makita ko ang aking sarili na naniniwala na ako ay ang karakter na 'meron pa sigurong higit sa kung sino ako' -titigil ako at babaguhin ko ang panimulang punto ko mula sa 'mayroon pa sigurong hihigit pa sa kung sino ako' -na karakter - sa 'ANDITO AKO. HUMIHINGA AKO. - Mula sa '' kung anong makakabuti sa akin lamang' - sa ' KUNG ANONG MAKAKABUTI PARA SA LAHAT'.

***Gagawin ko ang lahat na suportahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng blogging at vlogging na tumigil sa pagbigay ng 'positibo o negatibong' kahulugan sa mga salita at mga karanasan ko - para mabuhay ako na may tiwala sa saking arili, sariling direksyon, sariling pananagutan, at sariling katapatan,



Ang binibigyan kong buhay na karakter ay kikilos at mananalita  galing sa' panimulang punto' na (starting point) gagawin ko at sasabihin ko kung ano ang makakabuti para sa lahat -dahil kung ano ang pinakamabuti para sa lahat ay pinakamabuti din para sa akin .