Total Pageviews

Wednesday, 29 August 2012

Paghahangad Na Makaranas Ng 'Sex' Day 38 Desire To Experience Sex




===
===
===
 

===

Paghahangad Na Makaranas Ng 'Sex'

Pagpapatawad Sa Sarili

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maghangad na makaranas  ng sex - sa paniniwalang kapag nagkaruon ako ng relasyon at ako ay magka- asawa - ako ay magkakaruon ng karanasan sa sex - hindi ko nakita na itong pagnanasa na ito ay  ginawa ko sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan na walang tunay na pisikal na katotohanan at naniwala ako na ito ay magbibigay sa akin ng positibong karanasan na kung saan ako ay liligaya  - hindi ko nakita na ang kaligayahan na hinahangad ko ay gawa ko sa aking isip bunga ng aking imahinasyon - kung saan hindi ko nakita na itong pagnanasa na ito ay nagmula sa pagkatakot ko na tingnan kung sino ako bilang kapantay  ng pisikal - bilang ang  katawan - ang lupa - galing sa iisang sangkap - bilang sustansya ng  pisikal - kapantay ng lahat ng nilalang dito 

Gagawin ko ang lahat na kapag makikita ko ang aking sarili na nagnanasa na makaranas ng sex - titigil ako at hihinga. Na realize ko na ito ay ginawa ko bilang pagtukoy ko sa aking sarili  sa loob ng positibong karanasan sa hinaharap  - umaasa at naniniwala na kapag ako ay nakaranas nito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa aking asawa sa hinaharap ako ay liligaya - hindi ko nakita na galing ito sa takot ko na tingnan kung sino ako bilang kapantay ng sustansya ng pisikal - bilang laman, bilang dugo - bilang katawan - kapantay ng lahat ng nilalang - kaya sa halip na pabayaan kong itulak ako ng takot - tutulungan ko ang aking sarili na magkaruon ng tunay at totoong relasyon sa aking katawan - sa pamamagitan ng pagtingin sa kung sino ako kapantay ng pandama at paggalaw -  na kaisa ng aking sarili - sa bawa't hininga - sa bawa't sandali

English:
Self-forgiveness
  1. I forgive myself that i have accepted and allowed myself to desire to experience sex- believing sex will give me an ecstatic positive experience not realizing that i am coming from a starting point of 'fear of looking at who i am as equal to/as my body'  - defining myself within 'fear of looking at who i am as equal to/as my body '

Self-correction Script:
I commit to when and as i see myself desiring to experience sex - believing sex will give me an ecstatic positive experience - i stop - i breathe. I realize that desiring sex is defining myself within a future positive experience - hoping and believing that this will give me a positive experience within having sex with someone - coming from fear of looking at who i really am -  equal to/as the body - so instead of fear directing me - i am assisting myself to  equalize myself to who i am as the body - within self-intimacy - so that instead of manifesting fear in ones physical body - i will assist myself to stop participating in fear - assist myself to get to know the body and form an intimate real physical relationship with/as it - through touch and movement - as i move me as the breath in every moment here. 

Sunday, 26 August 2012

Takot Sa Taong Nagagalit: Pagpapatawad Sa Sarili Day 37: Self-forgiveness: Fear Of Angry People



Fear of Angry People
===
===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?
===


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot sa taong galit.

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili na kapag nakikita ko na natatakot ako sa taong galit - titigil ako at hihinga. Tutulungan ko ang sarili ko na huminahon at maging 'stable' bilang hininga sa bawa't sandali.  Narealize ko na ang lakas ng boses ay binigyan ko ng negatibong halaga at kinonekta ko sa galit. Tutulungan ko ang aking sarili na gamitin ang sentido kumon at marealize na ang boses ng tao ay pwedeng bumaba o tumaas - at tutulungan ko ang aking sarili na huwag magreact dito at hindi ito ikonekta sa ano mang bagay, paniniwala o idea.

Friday, 24 August 2012

Galit Sa Kapatid: Pagpapatawad Sa Sarili: Day 36 Self-forgiveness For Anger Towards Sister



===
===
 
===
===

Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?



Pagpapatawad sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magalit sa aking kapatid

Pagtutuwid sa Sarili:
Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na nagagalit ako sa aking kapatid - hihinto ako at hihinga. Tutulungan ko ang aking sarili na tingnan ko kung saan galing ang reaksyon na ito at ibabalik ko ito sa aking sarili.. Na realize ko na ang galit na ito ay ginawa ko sa aking isip - bilang isang karakter sa isip - sa isang kahaliling katotohanan - hiwalay sa kung sino ako talaga - ang tunay na karakter na andito sa lupa - bilang laman, bilang dugo at bilang katawang pisikal na kapantay ng bawa;t nilalang dahil lahat tayo ay nagmula sa parehong sustansya ng pisikal/lupa. Ipapadyak ko ang aking paa at sasabihin ko sa aking sarili, 'andito ako'.

Monday, 20 August 2012

'Pagsisinungaling Kapag Nakikita Kong Magagalit Ang Aking Kausap': Pagpapatawad Sa Sarili Day 35 Telling A 'Lie' Knowing Someone 'Will Get Angry When I Tell the Truth': Self-forgiveness



LYING

===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magsinungaling kapag nakikita ko na magagalit ang taong kausap ko 

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang aking sarili na nagsisinungaling - kapag nakikita ko na magagalit ang kausap ko - kapag sinabi ko ang tutuo - titigil ako - hihinga. Narealize ko na ito ay galing sa takot ko na mapagalitan - na ginawa ko sa aking isip - at kathang isip lamang -  hiwalay sa kung ano ang totoo - bilang laman- bilang dugo - bilang katawang pisikal. Tutulungan ko ang aking sarili magsabi ng tutuo at hindi matakot -Ibabalik ko ang aking sarili sa kung ano ang andito - ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko 'andito ako'. 

Sunday, 19 August 2012

Pagpipigil Ng Galit: Pagpapatawad sa Sarili Day 34 Suppression of Anger



===
===
 
===
===
Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?
===
Pagpipigil ng GALIT
Suppression of Anger
===
Pagpapatawad Sa Sarili

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na pigilin ang galit ko dahil natatakot ako na magagalit ang kausap ko kapag nagsabi ako ng totoo

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na pinipigilan ko ang aking sarili na magalit dahil natatakot ako na magagalit ang kausap ko - hihinto ako - at hihinga. Narealize ko na ang pagpigil ko ng galit ay isang pagkukunwari na ginagawa ko sa aking isip - tutulungan ko ang aking sarili na hindi matakot sa reaksyon ng aking kausap kung hindi tutulungan ko ang aking sarili na magsabi ng totoo. Ibabalik ko ang aking sarili sa pisikal . Ipapadyak ko ang aking paa at sasabihin ko 'Adito ako'.

Wednesday, 15 August 2012

Pagpapatawad Sa Galit Day 33 Self-forgiveness : Anger


 
===


Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?
Bakit Ko Pinapatawad Ang Aking Sarili?
===

Pagpapatawad Sa Galit:
Filipino:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maniwala na ang galit ay hindi ko kayang ihinto

Pagtutuwid Sa Sarili:

Gagawin ko ang lahat sa aking sarili - na kapag nakikita ko na naniniwala akong hindi ko kayang ihinto ang aking galit - hihinto ako - hihinga - Napagtanto ko na ito ay paniniwala na ginawa ko sa aking isip - sa kahaliling katotohanan - kung saan ako ay hindi tunay na karakter na kathang isip ko lamang - Ibabalik ko ang aking sarili  dito. Ipapadyak ko ang aking paa sa lupa at sasabihin ko sa aking sarili  'andito ako - bilang laman, bilang dugo - bilang katawang pisikal'. Ako ang hininga sa bawa't sandali.

===
Self-forgiveness:

English:
I forgive myself that i have accepted and allowed myself to believe that i cannot stop anger

Self Corrective Application
I commit myself to - when and as i see myself believing i cannot stop anger - i stop - i breathe. I realize this is a belief i created within/as my mind in an alternate reality as an alternate version of me. I bring myself back here. I stomp my feet and say, 'i am here -as the flesh - as the blood - as the physical. I am the breath in every moment here. 

Tuesday, 14 August 2012

Bakit Ko Pinapatawad Ang Aking Sarili? Day 32 Why Do I Do Self-Forgiveness?



 
===


Ano Ang Kahulugan Ng Pagpapatawad Sa Sarili?

===

Ang Mga Salitang Ginagamit ko sa Pagpapatawad sa Aking Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na ______.

===

Bakit Ko Pinapatawad Ang Aking Sarili?

Dahil tinatanggap at pinapayagan ko ang aking sarili na magpunta sa aking isip - kung saan humihiwalay ako sa tunay na ako - at pumupunta ako sa kahaliling katotohanan - sa aking isip - kung saan ako ang laging bida bilang - isang gawa- gawang katotohanan - bilang kahaliling bersyon ng tunay na ako - para magtanong o magproseso ng impormasyon atbp. base sa aking mga paniniwala o idea kung saan hinuhusgahan ko, sinisisi ko, nagseselos ako, nakikipagkompetisyon ako atbp. -  sa aking sarili o ibang tao, hayop, halaman atbp.   - sa halip na ituwid ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabalik ko sa kung ano ang andito - bilang ang tunay na ako - bilang  laman, bilang dugo - bilang ang pisikal/sustansya - kapantay ng bawa't nilalang - gawa sa parehong sangkap - sustansya ng lupa - at itaguyod ko ang isang mundo na base sa pagkapantay - pantay ng bawa't isa - kung saan ang lahat ay bibigyan ng pantay pantay na salapi para maibigay nito sa sarili ang mga kinakailangan nito para mabuhay - dahil ang halaga nito ay kapantay ng halaga ng buhay.