Total Pageviews

Showing posts with label suso. Show all posts
Showing posts with label suso. Show all posts

Saturday, 21 July 2012

2012:'Sino Ako?' Ako Ang ''Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter Day 18



English Blogs Na May Relasyon Sa Blog Na Ito:

===
===
Continuation of this Blog:
===
===
Translation Ng English Blog Na Ito:
===


Pagtigil Sa 'Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter


Itiitgil ko ang 'bawal ilantad ang katawan' na karakter sa blog na ito. Gagamitin ko ang pagsulat, pagpapatawad sa aking sarili at ilalahad ko kung paano ko iwawasto ang aking sarili. Ang karakter na ito ay ginawa ko sa sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan hiwalay mula sa pisikal na katotohanan. Bibigyan ko ng buhay ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - ang andito sa lupa - may katawang pisikal - katulad ng bawa't nilalang - kung saan lahat tayo ay nagmula sa sustansya ng pisikal - na magkapantay - pantay. At tatayo ako para sa kung anong makabubuti para sa lahat.
===
Itutuwid ko ang aking sarili  - hindi lamang para itigil ang aking sarili ngunit para din itigil ang pagsuporta ko sa mga karakter na sinusuportahan ko na humubog sa buong mundo.
===
'Ako' bilang Ang Lahat
Ang Character At Mga Karakter Sa Mundo
===
 'Takipan Ang Utong Sa Publiko' Na Karakter

Pagpapatawad Sa Sarili:

Pinapatawad Ko Ang Aking sarili 'bilang mga magbabatas' sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ako sa loob ng ''takipan ang utong sa publiko' na karakter - na pumipigil sa expresyon na natural ng katawan dahil sa mga panuntunin ng komunidad na ginagalawan natin na sinangayunan ng nakararami - at ang moralidad na pinaiiral sa ating komunidad - na base sa mga paniwala ng mga karakter sa komunidad na nanggaling sa mga nababasa nila at naririnig sa iba - at hindi ito galing sa sarili nating pagtuklas ng kung sino tayo talaga at kung sino tayo bilang ang katawang pisikal na gawa sa laman na galing sa  sustansya sa lupa/pisikal. Hindi natin nakita na ang katawang pisikal ay kapantay ng lahat ng expresyon at manipestasyon dito sa lupa. Hindi rin natin maitatanngi na ang mga bata ay pwedeng tumakbo ng hubad sa kalye ngunit hindi natin binibigyan ito ng malisya. Hindi natin nakita na ang pagbabawal sa paglalantad ng didbdibay hindi makasusugpo sa problema ng komunidad tungkol sa pagkakaruon ng paghahangad ng mga lalaki sa pakikipagtalik dahil sakit ito ng pagkakaruon natin ng sosyodad na base sa hindi pagkapantay - pantay ng bawa't nilalang.


Pagpapatawad Sa Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili 'bilang mga aktibista na nagpapahayag ng pagtutol sa batas ng pagtatakip sa utong' sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'tutol ako sa sa pagtatakip ng dibdib' na karakter kung saan naghihimagsik ako laban sa mga batas na ipinapasa ng mga mambabatas tungkol sa mga tuntunin kung ano ang dapat isuot at ano ang hindi ayon sa moralidad ng komunidad na kinalalagyan natin - bilang paran ng pagkuha ko ng kalayaang pansarili - na binibigyan natin ng kaganapan sa labas ng ating sarili - hindi natin nakita na ang tunay na kalayaan ay pwede nating ibigay sa ating sarili - sa pagtigil ng ating paghiwalay sa kung sino tayo talaga - at pagtigil natin sa pagpunta sa ating isip - kung saan tinitingnan natin ang katotohanan at binibigyan natin ng buhay ang tunay na karakter na andito sa lupa na gawa sa sustansya ng pisikal - na kung saan lahat ng nilalang ay makapantay- pantay. Dahil sinasalamin ng loob ang labas, tumutulong din tayo sa pagbubo ng bagong ekonomiya na base sa pagkapantay-pantay ng bawa't nilalang. Ito ang tunay na kalayaan na pilit nating kinukuha sa labas ng ating sarili. Hindi natin nakita na  hindi mabubuhay ang kung sino tayo talaga sa isang ekonomiya na base sa hindi pagkapantay - pantay ng lahat - na ang expresyon natin bilang mga nilalang ay kailangang magkatugma sa loob ng ating sarili gayun din  sa labas o sa sosyodad na ating ginagalawan.
===

Pagtutuwid Sa Aking Sarili

Pagtutuwid Sa 'Takipan Ang Utong sa Publiko' na Karakter


Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kapag nakikita ko ang aking sarili na tinutukoy bilang 'takipan ang utong sa publiko' na karakter - titigil ako at hihinga - babaguhin ko ang aking panimulang punto at imbes na tukuyin ko ang aking sarili sa loob ng paghiwalay ng  aking isip sa katawang pisikal - titingnan ko ang pagkkaisa ng isip at ng pisikal - kung saan nauunawaan ko kung paano ko ginawa ang kahaliling karakter na ito sa aking isip at dahil alam ko kung paano ko ito ginawa alam ko din kung paano ko ito ititigil - at tatayo ako sa kung anong makabubuti sa lahat - bilang isang tunay na karakter na gawa sa sustansya ng laman o pisikal o lupa - kapantay ng bawa't isa.

Pagtutuwid Sa 'Naghihimagsik Sa Pagpigil sa aking Natural Na Ekspresyon' Na Karakter
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kapag nakikita ko ang aking sarili na tinutukoy bilang 'naghihimagsik sa pagpigil sa aking natural na ekpresyon' na karakter - titigil ako - hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto- at imbes na maghimagsik ako ay  titngnan ko ang katotohanan na ako ang magbibigay sa sarili ko ng kalayaan - kung saan ititigil ko ang paghahangad ng mga positibong karanasan sa loob ng aking sarili at bibigyang laya ko ang tunay na karakter na kung sino ako talaga - ang laman at hininga na gawa sa sustansya ng pisikal - kapantay ng bawa't nilalang - at tumatayo para sa kung anong makabubuti para sa lahat.


Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ihinto ang 'takipan ang utong sa publiko' na karakter
- bilang mga larawan, mga ala-ala, mga karanasan, paghahangad, paniniwala atbp.- sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghiiwaly ng isip at ng pisikal - bilang paghahangad ng positibong karanasan sa loob ng aking isip - as loob ng aking sarili at tatayo ako na kaisa ng pisikal sa bawat hinga sa bawa't sandali.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ihinto ang ' naghihimagsik sa pagpigil sa aking natural na ekspresyon' na karakter - bilang mga larawan, mga ala-ala, mga karanasan, paghahangad atbp. - sa loob ng aking sarili at aalisin ko ang paghihiwalay ng isip at pisikal - bilang paghahangad ng positibong karanasan sa loob ng aking isip - sa loob ng aking sarili at tatayo ako na kaisa ng pisikal sa bawa't hininga, sa bawa't sandali.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya - kung saan sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpapatawad sa sarili at pagtuwid sa aking sarili sa bawa't hininga sa bawa't sandali - tutlungan ko ang aking sarili na itigil ang mga karakter na binigyan ko ng buhay .

Thursday, 19 July 2012

2012: Ang Katawan 'Sino Ako?' Ako Ang 'Utong' na Karakter Na Binigyan Ko ng Buhay Day 17





Related Blogs:
===
===
Ang Nakaraang Blog:

===

Pag Tigil Sa Karakter Na Kahaliling Bersion ng Kung Sino Ako
Sa mga serye ng mga blog, papatawarin ko ang aking sarili at ilalahad ko ang gaawin ko para itutuwid ko ang aking sarili sa pagiging 'utong ay ligaya ' na karakter  -  ginawa ko lang ito sa aking isip - bilang isang  sarili na gawa-gawa lamang- at isang ilusyon lamang. Bibigyang buhay ko ang tunay na ako bilang ang tunay na karakter na may laman at pisikal na katawan - na galing sa lupa - pareho ng pinanggalingan ng lahat ng nilalang.


===
 Ang utong ay ginawa mula sa sustansya ng pisikal - na kung saan ang pinanggalingan ng lahat ng nilalang ay ang sustansyang ito din.
===

Pagpapatawad sa Sarili:

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na tukuyin ang aking sarili sa loob ng 'utong ay ligaya' na karakter.

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na husgahan ang utong ay mas mataas ang halaga kaysa aking sarili dahil nakapagbibigay ito sa akin ng kasayahan at ang ibang parte ng katawan na hindi nakapagbibigay sa akin ng kasayahan ay mas mababa ang halaga kaysa akin

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maghangad na magkaruon ng positibong karanasan kapag hinahawakan ang aking utong.

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na magkaruon ng negatibong karanasan kapag walang humahawak sa aking utong.

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na maghangad ng positibong karanasan sa pagkakaruon ng relasyon para mayruong hahawak sa aking utong

Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na hindi maghangad ng negatibong karanasan sa hindi pagkakaruon ng relasyon kung saan walang hahawak sa aking utong

Gagawin Ko Ang Lahat Para Ituwid Ang Aking Sarili 
Para Sa Makabubuti Para Sa lahat:

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na tinutukoy ko ang aking sarili sa loob ng 'utong ay kaligayan' na karakter - titigil ako  - hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto magmula  sa isang sarili na gawa- gawa lamang - sa isang sarili na tunay na gawa sa lupa - ang laman bilang katawang pisikal - na gawa sa sustansya na pinanggalingan ng lahat ng nilalang

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na hinuhusgahan ko ang utong na mas maraming halaga kaysa sa aking sarili at ang ibang bbahagi ng katawan na hindi nagbibigay ng kaligayahan sa akin - ay bibigyan ko ng mas maliit na halaga kaysa aking sarili - titigil ako - hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto magmula sa panghuhusga ng sarili ko na gawa-gawa lamang - sa isang sarili na tunay na gawa sa lupa - ang laman bilang katawang pisikal - na kapantay ng lahat - dahil gawa ito sa sustansya na pinanggalingan ng lahat

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang aking sarili na naghahangad ng positibong karanasan kapag hinahawakan ang aking utong - titigil ako- hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto - magmula sa paghahangad - galing sa sarili ko na gawa-gawa lamang - sa sarili ko na tunay na gawa sa lupa - ang laman bilang katawang pisikal - na hindi tinutukoy ang sarili sa loob ng mga positibong karanasan - kung hindi matatag bilang isang tao na nakapagbibigay ng direksyon sa sarili - na ang batayan ay ang prinsipyo ng pagkapantay - pantay ng lahat - at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat.

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang sarili na umaayaw sa mga negatibong karanasan kapag walang humahawak sa aking utong - titigil ako - hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto - magmula sa pagayaw sa mga negatibong karanasan - sa isang sarili na matatag bilang isang tao na nakapagbibigay ng direksyon sa sarili - na ang batayan ay ang pagkapantay-pantay ng lahat - at tumatayo sa kung anong makabubuti para sa lahat. Titingnan ko ang katotohanan na ang utong ay galing sa lupa - kung saan nagmula ang lahat ng bagay

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang aking sarili na naghahanap ng positibong karanasan sa pagkakaruon ng relasyon - dahil may hahawak sa aking utong - titigil ako- hihinga ako at babaguhin ko ang aking panimulang punto - mula sa paghahangad ng relasyon - sa isang sarili na matatatag dahil may tunay na relasyon ako sa kung sino ako talaga - at kung magkaruon man ako ng relasyon sa iba - batay ito sa relasyon ko sa kung sino ako talaga - sila bilang ako

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko ang aking sarili na umaayaw sa mga negatibong karanasan base sa hindi pagkakaruon ng relasyon sa iba - kung saan walang humahawak sa aking utong at nagbibigay sa akin ng kasiyahan - titigil ako - hihinga ako - at babaguhinko ang aking panimulang punto - magmula sa pagayaw sa hindi pagkakaruon ng relasyon - sa isang sarili na matatag  dahil may tunay na relasyon ako sa kung sino ako talaga - kung saan may relasyon man ako sa iba o wala - nabibigyan ko ng direksyon ang aking sarili sa bawa't sandali ng aking paghinga - at tumatayo ako sa kung anong makabubuti para sa lahat

Gagawin ko ang lahat - na sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpapatawad sa aking sarili at sa pagtuwid ko sa aking sarili sa araw - araw - matutulungan ko ang aking sarili na itigil ang karakter na ito

Gagawin ko ang lahat para itigil ko ang 'utong ay ligaya' na karakter - bilang ala-ala, bilang positibo o negatibong karanasan, maga larawan, paghahangad atbp - sa loob ng aking sarili at ititigil ko ang paghiwalay sa aking sarili bilang  - sariling gawa-gawa lamang o sarili na tunay - bilang mga larawan, paghahangad atbp. - sa loob ng aking sarili at tatayo ako na kapantay ng aking pisikal na katawan - sa bawa't hininga sa bawa't sandali




Wednesday, 18 July 2012

2012: 'Sino Ako?' Ako ang 'Mapanghusga Ng Suso' na Karakter Day 14



 Ang 'Mapanghusga Ng Suso' na Karakter



  Blogs Na May Relasyon Dito sa English:

Pag Tigil Sa Karakter Na Ito
Dito sa blog na ito papatawarin ko ang aking sarili at ilalahad ko kung ano ang aking gagawin para ituwid ko ang aking sarili sa araw - araw - sa pagiging ang 'mapanghusga ng suso' na karakter - at ititigil ko ito -para mabuhay ako na isang tunay na karakter na kung sino ako talaga - at hindi ang karakter na galing lamang sa aking ilusyon

Pagpapatawad sa Sarili:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtukoy sa aking sarili sa loob ng ' mapanghusga ng suso' na karakter - kung saan naniniwala ako na ang suso na hindi masyadong malaki o hindi masyadong maliit ay mas malaki ang halaga sa akin at ang suso na masyadong malaki o masyadong maliit ay mas maliit ang halaga sa akin
- kung saan hinuhusgahan ko ang suso - na gawa galing sa lupa na katulad ko din - kapantay ng bawa't nilalang.


Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para itigil ko ang mga larawan - bilang paghahangad ko sa loob ng aking sarili at ititigil ko ang pagpunta sa aking isip at paghiwalay sa katawang pisikal sa loob ng aking sarili - at tatayo akong kapantay ng aking katawang pisikal sa bawa't hininga ko sa bawa't sandali.

===

Mga Paguusap na Nangyayari sa Aking isip:
'Maganda ang hugis ng suso niya kaya siya nakapagdadamit ng may nakalabas na suso. ano kaya ang hitsura ko kapag ako ang nagsuot nitong damit na ito?'
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang 'backchat' bilang isang paraan ng pagbibigay buhay sa ' 'mapanghusga ng suso' na karakter - kung saan hinuhusgahan ko ang suso - hindi ko naisip na ang suso ay gawa din galing sa lupa - katulad ko - katulad ng lahat



Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Kapag nakikita ko ang aking sarili na binibigyang buhay ang 'mapanghusga ng suso' na karakter sa pamamagitan ng 'backchat'- hihinto ako  at hihinga - bibilang ako ng apat at hihinga paloob, hihinto ako at bibilang ng apat - hihinga ako palabas at bibilang ng apat, at hihinto ako - bibilang ulit ng apat - babaguhin ko ang aking panimulang punto - galing sa panghuhusga - sa pagtutuwid ng aking sarili sa kung sino ako talaga - at tatayo ako kasama ng katawang pisikal sa bawa't paghinga sa baa't sandali..

Pagpapatawad sa Paggamit Ng Paggalaw Sa Paghuhusga Ko Bilang Isang Karakter:
Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ang paggalaw ng katawan bilang isang paraan ng pagbibigay ng buhay sa 'mapanghusga ng suso' na karakter - sa paghahangad ko sa mga positibong karanasan galing sa isang negatibong karanasan na hindi ko gusto ang masyadong maliit na suso o masyadong malaking suso maging akin o sa iba

Ang Gagawin Ko sa Araw-araw Para Itigil Ang Karakter na Ito:
Kapag nakikita ko ang aking sarili na binibigyan ko ng buhay ang 'mapanghusga ng suso' na karakter 
sa pamamagitan ng paggalaw- hihinto ako at hihinga at babaguhin ko ang aking panimulang punto magmula sa panghuhusga - sa pagtuwid ko sa aking sariii at tatayo ako kasama ng katawang pisikal sa bawat hininga sa bawa't sandali.

===
Tayo Ang Mga Karakter Sa Mundo Na Ating Ginagalawan
===

Pagpapatawad sa Sarili Bilang Mga Karakter Sa Industriya ng Pagpapaganda
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang 'industriya ng 'plastic surgery' sa pagtanggap at pagpayag ko na abusuhin ang katawan sa pamamagitan ng pagbago ng anyo nito sa ngalan ng kagandahan- kung saan hindi ko isina alang - alang na ang katawan ay galing sa lupa kapantay ng bawa't nilalang.

Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang mga 'plastic surgeons' sa pagtanggap at pagpayag ko na baguhin ang hugis ng parte ng katawan para ito gumanda.

Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang 'mayayamang may hawak ng nakararaming pera kaysa sa iba - sa pagtanggap at pagpayag ko na gamitin ko ang pera para baguhin ang aking anyo (katawan atbp) sa pangalan ng kagandahan - hindi ko isina alang - alang ang hindi pagkapantay pantay ng bawa't nilalang - at imbes na ito ay tumulong para mag tayo ng panibagong sistema na batay sa pagkapantay - pantay ng bawa't nilalang - nabubuhay ako ng ,masagana sa sistema ng ito - dahil ang pansarili kong interes ang inuuna ko

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ilahad ang mga industriya na sumusuporta sa mga industriya na nagbabago ng korte ng katawan para magkapera 


===
Pagpapatawad sa Aking sarili Bilang Mga Karakter Na Spiritwal

Pinapatawad ko ang aking sarili bilang ang maga 'guru' sa pagtanggap at pagpayag kong husgahan ang suso base sa paniniwala na ang suso ay dapat takpan sa loob ng templo - na ito ay  hindi mabuting nakalabas dahil magkakaruon ng pagnanasa dito ang mga tao sa loob ng templo- hindi ko tiningnan ang katotohanan na ang mga tumitingin at nagnanasa ay may responsibilidad na itigil ang sarili sa pagtingin at pagnanasa sa suso - sa pamamagitan ng pagpapatawad sa sarili at pag tuwid sa sarili sa pang araw- araw na buhay - at tingnan natin ang katotohanan na ang suso ay galing sa lupa katulad nating lahat - kaya hindi ito dapat na husgahan.


Pinapatawad ko ang aking sarili 'bilang ang mga devotees' sa pagtanggap at pagpayag ko na kopyahin ko ang guru at isagawa ko ang lahat na iniuutos nito - hindi ko nakikita na andito ako at humihinga - at kaya kong magdirekta sa aking sarili - at nakikita ko rin ang katotohanan na naghahanap ako ng mga positibong karanasan sa pagtanggap ng salita ng 'guru' na parang ito ang batas ng aking buhay - dahil gusto ko ng kaligtasan at naniniwala ako na iyon ay maibibigay sa akin ng guru - hindi ko isina alang - alang na ang suso ay galing sa balat ng lupa at ito ay kapantay ng bawa't nilalang dito sa mundo

Ang Gagawin Ko :
Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para ilahad sa lahat ang mga totoong nagyayari dito sa mundo - para hindi manatiling nakapikit sa katotohanan ang mga mata ng mga nilalang dito sa lupa.

Pagpapatawad sa Sarili
Pinapatawad ko ang aking sarili bilang mga 'relihiyon' dito sa lupa sa pagtanggap at pagpayag ko na ipangako ko sa mga tao na may buhay na walang hanggan sa langit - dahil alam ko na iyon ang kanilang kailangan - at dahil alam ko na makatatanggap ako ng abuloy para sa simbahan kapag ibinagay ko ang kanilang kailangan - bilang pagsasamantala sa kanilang kahinaan

Ang Gagawin Ko :
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan ko ang aking sarili na ihinto ang pagbibigay ko ng buhay sa 'mapanghusga ng suso' na karakter
Gagawin Ko Ang lahat para sa aking sarili - kung saan sa pamamagitan ng pagsulat, sa pagpapatawad sa sarili at pagtutuwid sa sarili ko sa araw-araw - matutulungan ko ang aking sarili upang ihinto 'mapanghusga ng suso' na karakter