Total Pageviews

Thursday, 25 October 2012

'Hanapan Mo Nga Ako Ng Mapapangasawang Mayaman,': Day 40




 


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot na maghirap ako at dahil dito ay maghangad ng kaligayahan galing sa pagkakaruon ng asawang mayaman

Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na ako ay natatakot maghirap - titigil ako at hihinga, at ibabalik ko ang aking sarili dito sa pisikal/katawan - at titingnan ko ang paggamit ko ng pagiisip para i manipulate and katawan na makipagtalik sa isang tao -para lamang  ijujustify ko ang paghahangad ko magkaruon ng asawang mayaman at paghahangad ko ng pera at i cocover up ko ito sa pamamagitan ng pagaanounce ko na kailangan kong mabuhay dahil 'mahirap mabuhay na magisa sa Pilipinas na may mga anak

Pinapatwad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot magkaruon ng sakit at dahil dito maghangad ng kaligayahan sa pagkain ng mga prutas at gulay na makakapagpalusog sa aking katawan


Gagawin ko ang lahat na kapag nakikita ko na ako ay natatakot magkaruon ng sakit, titigil ako at hihinga at imbes na maghangad ako ng kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at hindi pagkain ng karne - titingnan ko ang katotohanan na ang hayop at gulay ay pinapatay pareho para magkaruon ng pagkain ang mga tao at magkaruon ng pera - at hindi titigil ang pagpatay ng hayop dahil ito ay nagbibigay ng pera sa mga taong kinauukulan - at aasiste ako na itaguyod ang pageestablisa ng isang mundo na base sa pagkapantay pantay ng tao



Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na matakot mamatay at dahil dito maghangad magkaruon ng buhay na walang hanggan



Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na kung nakikita ko na ako ay natatakot mamatay, titigil ako at hihinga at imbes na maghangad ako ng buhay na walang hanngan - titingnan ko ang kattotohanan na ang tao ay namamatay at nabubuhay sa bawa't 'in breath at out breath' at lahat ng tao ay namamatay at tutulungan ko ang aking sarili na marealise na buhay ako andito ako - at mahalagang mabuhay ako na itinataguyod ko ang kapakanan ng aking sarili sa pamamagitan ng pagintindi sa kung sino ako talaga - bilang pisikal - bilang laman at dugo - kapantay ng laman /pisikal ng mga halaman at mga hayop at iimbestigahin ko ang DIP Lite , isang Free Course tungkol sa pagunawa sa sarili





Saturday, 6 October 2012

'Oo Gagawing ko Yan Bukas' : Mga Pangakong Napapako: Day 39





 

'Postponement' Character Blogs


Pinapatawad ko ang aking sarili sa pagtanggap at pagpayag ko na bigyan ko ng buhay  ang aking sarili sa aking isip - sa isang kahaliling katotohanan- sa pamamagitan ng pagiisip kung paano ko pagkakasyahin ang aking oras para gawin ang mga dapat kong gawin - imbes na igalaw ko and aking mga paa at kamay at gawin ko ang dapat kong gawin at tapusin ko ito

Gagawin ko ang lahat na aking makakaya na kapag nakikita ko na nagiisip ako kung kelan ko gagawin ang mga dapat kong gawin - titigil ako at hihinga - at imbes na isipin ito - tulungan ko ang aking sarili na ikilos ang aking mga paa at kamay para isulat ang aking gagawin - at bigyan ito ng alokasyon na oras kung kelan ko ito gagawin at tutulungan ko ang aking sarili na gawin ito at tapusin.